Balita

Painters, lalarga vs Kings

- Marivic Awitan

Laro Ngayon (Quezon Convention Center) 5:00 n.h. -- Ginebra vs Rain or Shine

ITATAYA ng Barangay Ginebra ang tangan sa liderato sa pagsagupa sa bokyang Rain or Shine Paint Masters ngayon sa out of town game ng PBA Governors Cup sa Quezon Convention Center sa Lucena City.

Hawak ang solong liderato, taglay markang 7-1, haharapin ng Kings ang wala pang panalong Elasto Painters (0-4) ganap na 5:00 ngayong hapon.

Manggagali­ng ang tropa ni coach Tim Cone na patuloy na naglalaron­g pilay ang roster matapos maghari noong nakaraang Commission­er’s Cup sa four-game winning streak.

Huli silang nanalo noong Oktubre 7 sa larong idinaos sa Sta. Rosa, Laguna kontra Meralco Bolts sa iskor na 111-105.

Sa kabilang dako, matapos magbalik ang kanilang core pagkaraang pangunahan ang national team na sumabak sa nakalipas na Asian Games kung saan tumayo ding assistant coach ang mentor nilang si Caloy Garcia ay wala pang naipapanal­o ang Elasto Painters.

Dahil dito, inaasahang umaatikabo­ng bakbakan ang mamagitan sa dalawang koponan na nasa puno at tuktok ng team standings sa larong inaasahang dadagsain ng mga panatikong supporters ng Kings.

Para naman sa Rain or Shine, umaasa silang makakaahon pa sa kinasadlak­ang apat na sunod na kabiguan upang makahabol pa sa lower half ng top 8 para sa quarterfin­al round.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines