Balita

Sarah, maaaring magtagal sa ‘Eat Bulaga’

- Nora V. Calderon

HAPPY ang fans ni Sarah Labhati sa pagbabalik-Kapuso ng actress dahil ilang araw na siyang napapanood sa Eat Bulaga. Marami tuloy ang nagsasabin­g sana ay maging permanent host na si Sarah sa long-running noontime show ng GMA 7.

Naunang napanood si Sarah nitong Sabado, nang maging hurado siya sa semifinals ng ‘Hype Kang Bata’ segment. Kitangkita ang takot sa mukha ni Sarah dahil sa mga buwis-buhay na performanc­es ng mga batang contestant­s. Hindi raw niya inaasahan na ganoon katindi ang mga performanc­es na mapapanood niya.

Kasama ni Sarah sa Broadway Studio ang panganay nila ni Richard Gutierrez na si Zion. Ikinatuwa naman ni Joey de Leon

ang pagpayag ng mag-asawa na lumabas sa segment ang bagets. Pero bawal pa raw magartista si Zion, ayon sa parents niya.

Bumalik si Sarah sa show nitong Lunes dahil nag-pinch hit muna siya sa isa sa mga EB hosts na si Luane Dy, na kasalukuya­ng nagbabakas­yon sa Europe kasama ang kanyang boyfriend, ang aktor na si Carlo Gonzales.

Ayon sa balita, ang sunod na magbabakas­yon ay si Pia Guanio, kaya baka hindi agad matapos ang guesting ni Sarah sa EB, lalo na at busy ang lahat dahil sa nalalapit na grand finals ng ‘Miss Millennial Philippine­s, 2018’.

So, hintay-hintay lamang ang fans at televiewer­s ng EB dahil baka one day ay magkaroon ng announceme­nt na host na rin sa show si Sarah.

 ??  ?? Sarah
Sarah

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines