Balita

Ika-61 labas

- R.V. VILLANUEVA

PINILIT dumungaw ni Fermin si Nena sa bintana para makita ang dambuhalan­g ibon, hindi napilit si Nena.

“Mga paniki,” sabi ni Fermin. “Ang lalaki pala ng mga panggabing ibon dito.”

“Ano naman ang malay natin kung mga totoong ibon nga ang mga iyon?”

‘Ito namang asawa ko, oo.” Tumawa pa si Fermin. “Ano naman ang itatawag mo sa naglilipar­ang ‘yan kundi ibon? Sabagay, hindi naman katakataka­ng magkaroon ng ganyan kalalaking paniki rito...

Inangkupo! Hindi ba talaga namang ang mga paniki ay kakambal ng mga katatakuta­n? Hindi na naman niya nasabi ang kanyang nasasa isip.

‘Kung bakit naman si Tatay, hinihiram ko ‘yong baril na pang-ibon, naipahiram daw sa kaibigan niya ay hindi pa isinosoli.”

Ang isip na naman ni Nena ang sumasagot: Paano kung aswang ang mga iyan?

“Masarap daw ang paniki, sabi ni Tatay,” sabi pa ni Fermin. Nabubuo na naman sa utak ni Nena; My God! Asuwang, kakainin? Ngiii! Anong lasa n’on?

“Sa gabi raw,” patuloy na kuwento ni Fermin, “naglilipar­an talaga ang mga ‘yan. Pero sa araw daw, nakabitin lang ang mga ‘yan sa matataas na mga puno. Masyado raw mahigpit kakapit ang mga ‘yan. Kahit daw mapatay mo na, halimbawa sa baril, hindi bumibitiw ang mga iyan. Pero ang sarap daw talaga ng karne ng mga ‘yan. Pinang-pno raw. Parang karne norte.”

Tinablan kaya ng bala? “Para raw mahulog sa lupa at matikman mo ang malinamnam na karne ng mga iyan, ang barilin mo ay ang sangang kinakapita­n at nang tuluyang matanggal at magulog sa lupa.”

Diyos kop o, sa isip lang ni Nena, paano mo naman kakainin ang karne ng asuwang?

Patuloy na naririnig ni Nena ang pagaspas at hunihan ng malalaking mga ibong panggabi. At nag-iibayo ang nararamdam­ang pangamba ni Nena. “Fermin, puwedeng umalis na tayo dito sa bintana?”

“Mabuti pa nga siguro,” payag si Fermin. “Saka na lang natin sila uli aabangan pag may baril na akong pang-ibon.”

Inakay siya ni Fermin sa sala. Naupo sila sa sofa. “Ang mabuti pa siguro ay manood tayo ng telebisyon. Para mawala ‘yang kung ano-anong iniisip mo.”

“Mabuti pa nga siguro,” sang-ayon niya.

“Anong channel ang gusto mo, Love?”

“Bahala ka na.”

Pero hindi natuloy ang panonood nila ng telebisyon. Akmang iuumang pa lang ni Fermin ang remote control sa screen ng TV, may kumalabog ng kaylakas. Para bang binato ng isang malaking putol ng kahoy ang bubong nilang yero.

“Ferminnn!” Patiling sigaw ni Nena sa pangalan ng asawa at yumakap siya rito. “A-ano ‘yon?”

“Hindi siguro tao,”sabi ni Fermin.

“Mukha namang walang mga pilyo rito.”

“Kung hindi tao e ano?’ Hindi kumibo si Fermin. Nag-iisip ito.

“Baka dumapo ang ibon? Baka marami sila.”

“Hindi siguro mga ibon, Fermin.” “Baka nga. Baka... baka hayup gubat.”

“Anong klaseng hayup ‘yon?”

Itutuloy...

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines