Balita

BUS NAGTAAS NG R1 R3.4-M

- Ni ALEXANDRIA DENNISE SAN JUAN

Isang araw makaraang aprubahan ang P2 taas-pasahe sa jeepney, kinumpirma kahapon ng Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) na magpapatup­ad ito ng P1 na provisiona­l fare increase sa mga pampasaher­ong bus sa Metro Manila.

Sa Order na may petsang Oktubre 18, pinahintul­utan ng LTFRB na magdagdag ng piso sa minimum na pasahe ang mga ordinary at airconditi­oned na bus sa National Capital Region (NCR).

Pinahihint­ulutan na ang mga bus sa Metro Manila na magpatupad ng taas-pasahe kaya mula sa P10 sinisingil sa ordinary buses ay magiging P11 na ito, habang ang P12 sa air-conditione­d bus ay magiging P13 ang singil sa unang limang kilometro ng biyahe.

Gayunman, hindi dinagdagan ang sinisingil sa bawat susunod na kilometro at mananatili sa P1.85 ang dagdag-singil sa mga ordinary bus, at P2.20 sa air-conditione­d buses.

Samantala, tinanggiha­n naman ng LTFRB ang pagtataas ng singil sa lahat ng provincial bus, bagamat pinayagan silang magdagdag ng P0.15 sa bawat susunod na kilometro matapos ang unang limang kilometron­g biyahe.

Batay sa order na pirmado ni LTFRB Chairman Atty. Martin Delgra III at nina Board Members Engr. Ronaldo Corpus at Atty. Aileen Lizada, ang taas-pasahe ay magiging epektibo sa Nobyembre, o 15 araw makaraang mailathala sa pahayagan ang nasabing desisyon ng ahensiya.

Pebrero ng ihain ng Southern Luzon Bus Operators Associatio­n (SOLUBOA), Nagkakaisa­ng Samahan ng Nangangasi­wa ng Panlalawig­ang Bus sa Pilipinas (dating PBOAP), at Samahang Transport Operators ng Pilipinas (STOP), Inc. ang nasabing petisyon para sa taas-pasahe sa bus.

 ??  ?? ‘DI NA KAMI LUGI Nagbibilan­g ng isusukli ang tsuper ng jeepney sa Pedro Gil sa Maynila. Inaprubaha­n na ng Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board ang petisyon ng limang transport group na gawing P10 ang minimum na pasahe sa jeep, na ipatutupad sa unang linggo ng Nobyembre. ALVIN KASIBAN
‘DI NA KAMI LUGI Nagbibilan­g ng isusukli ang tsuper ng jeepney sa Pedro Gil sa Maynila. Inaprubaha­n na ng Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board ang petisyon ng limang transport group na gawing P10 ang minimum na pasahe sa jeep, na ipatutupad sa unang linggo ng Nobyembre. ALVIN KASIBAN
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines