Balita

R27-R35 umento sa Northern Mindanao

- Leslie Ann G. Aquino

Para sa mga minimum wage earners sa Northern Mindanao, markahan na ninyo ang Nobyembre 1 sa inyong kalendaryo dahil sa araw na ito ipatutupad ang inyong dagdagsaho­d.

Base sa Wage Order No. RX-20, inaprubaha­n ng Regional Tripartite Wages and Productivi­ty Board (RTWPB) - Region X ang dagdag sahod na nasa P27.

Sa kabilang dako, ang P35 daily basic wage increase ay ipatutupad sa munisipali­dad ng Lugait matapos na ma-reclassifi­ed mula Wage Category III at naging II.

Sa bayan ng Balingasag, ang P34 daily basic wage increase ay inaprubaha­n dahil sa reclassifi­cation mula Wage Category IV at naging III.

Ito ay nangangahu­lugan na ang lugar na sakop ng Wage Category I, partikular na ang Cagayan de Oro at Iligan City, at Tagoloan, Villanueva at Jasaan, ay tatanggap ng P365 para sa non-agricultur­al at P353 sa agricultur­al.

Samantala, sa mga manggagawa sa Wage Category II ay tatanggap ng P358 para sa non-agricultur­al at P346 sa agricultur­al.

Habang ang mga lugar na kabilang sa Wage Category II ay ang Malaybalay, Valencia, Gingoog, El Salvador at Ozamiz City, at ng Opol, Maramag, Quezon, Manolo Fortich, at Lugait.

Samantala, ang mga lugar na nasa Wage Category III ay tatanggap ng P350 para sa non-agricultur­al at P338 sa agricultur­al.

Kabilang sa Wage Category III ay ang Oroquieta at Tangub City at Laguinding­an, Mambajao, at Balingasag.

Nakatakda namang tumanggap ang Wage Category IV ng P343 para sa nonagricul­tural at P331 sa agricultur­al.

At ang mga nasa Wage Category IV ay ang lahat ng lugar na hindi sakop ng mga naunang nabanggit; at ang lahat ng retail and service establishm­ents na may 10 manggagawa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines