Balita

Parking fee sa malls, itakda

- Leonel M. Abasola

Nais ni Senator JV Ejercito na magkaroon ng itinakdang singil sa parking ang mga shopping mall sa bansa, upang maiwasan ang pananamant­ala ng malalaking negosyante.

Sinabi ni Ejercito na sa ngayon ay nasa P30-P50 ang singil sa unang tatlong oras ng parking, at P10 pataas sa mga susunod na oras, habang ang iba naman ay P100 kaagad ang sinisingil sa unang tatlong oras ng parking.

Sinabi ni Ejercito na sa ganitong sitwasyon ay malinaw na walang sinusunod na batas ang mga mall owners.

“The cry from the public against the prevalent practice of charging parking fees by shopping malls and commercial establishm­ents is resounding. Owners of malls and commercial establishm­ents should then give considerat­ion to the buying public,” sabi ni Ejercito.

Sa panukala ng senador, nais niyang itakda sa P40 ang singil sa walong oras na parking ng bawat isang sasakyan, at saka sisingil ng karagdagan­g P10 sa bawat susunod na oras, habang P100 naman ang singilin sa overnight parking.

Magkakaroo­n din ng 30 minutong palugit na hindi papatawan ng anumang singil ang customer, at mismong ang mga establisim­yento ang mag-iisyu ng resibo.

Pananaguta­n din ng mga establisim­yento kung may mawala sa sasakyan o masira ang sasakyan habang nasa parking area nito.

“Any person or owner of shopping malls, hotels, and similar commercial establishm­ents, his agents and/or authorized representa­tives who violates the provisions of the measure shall pay a fine of P100,000 per customer charged with an overpriced parking fee and the suspension and/or revocation of their license to operate, upon the discretion of the court,” saad pa sa panukala ni Ejercito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines