Balita

Estudyante namaril sa kolehiyo, 19 patay, 50 sugatan

-

MOSCOW (Reuters, AP) – Nasawi ang 19 katao at 50 iba pa ang nasugatan sa isang kolehiyo sa Black Sea region ng Crimea nitong Miyerkules nang mamamaril ng mga kapwa niya mag-aaral ang isang estudyante bago nagpakamat­ay.

Pumasok ang 18-anyos na si Vladislav Roslyakov sa kanyang kolehiyo sa Kerch City na may dalang armas at bigla na lamang namaril, ayon sa mga imbestigad­or. Natagpuan siyang bangkay kalaunan at may tama ng bala ng sariling baril.

Hindi pa malinw kung ano ang nagtulak kay Roslyyakov, inilarawan­g mahiyain at palaging nag-iisa, na gawin ang krimen. Nakita sa security camera na kalmado siyang naglakad pababa ng hagdan ng eskuwelaha­n, hawak ang shotgun.

“He was walking around and shooting students and teachers in cold blood,” sinabi ni Sergei Aksyonov, regional leader sa Crimea.

Sinabi ng mga opisyal na nagpakamat­ay ang fourth-year student sa library ng Kerch Polytechni­c College matapos ang pag-atake. Ang kanyang ina, isang nurse ay tumutulong sa paggamot ng mga biktima sa isang lokal na ospital at walang kamalay-malay na ang anak niya ang akusado, at patay na.

Inilarawan ng mga estudyante at staff ang tarantang pagtakbuha­n sa gusali. Sinabi nila na nagsimula ang pag-atake sa isang pagsabog na sinundan ng marami pang pagsabog at pagulan ng mga bala.

Iniulat ng ilang pahayagang Russian na iniwan ng suspek ang kanyang backpack na may lamang pampasabog sa cafeteria at pinasabog ito gamit ang remote control bago sinimulan ang pamamaril.

Nagdeklara si Russian President Vladimir Putin, nasa southern Russian resort ng Sochi at nakikipagp­ulong sa kanyang Egyptian counterpar­t, ng mga sandali ng katahimika­n para sa mga biktima. “This is a clearly a crime,” aniya. “The motives will be carefully investigat­ed.”

Pagkatapos ng pag-atake sinabi ng Russian officials na iniimbesti­gahan nila ang posibilida­d na ito ay terorismo.

Gayunman, sinabi kalaunan ng Investigat­ive Committee, ang ahensiyang nagsisiyas­at sa malalaking krimen, na binago nila ang klasipikas­yon ng kaso mula sa terorismo patungo sa mass murder.

 ??  ?? ISINASAKAY ng medics sa ambulansiy­a ang isang sugatan sa pamamaril sa isang kolehiyo sa Kerch, Crimea, nitong Miyerkules. AP/ Viktor Korotaev/ Kommersant
ISINASAKAY ng medics sa ambulansiy­a ang isang sugatan sa pamamaril sa isang kolehiyo sa Kerch, Crimea, nitong Miyerkules. AP/ Viktor Korotaev/ Kommersant

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines