Balita

QC Stars, itinumba ng Manila All-Stars

- Ni BRIAN YALUNG

IPINALASAP ng Manila AllStars ang mapait na kabiguan sa Quezon City Stars, 81-78, sa 2018 Metro League Open basketball tournament kamakailan sa Hagonoy Sports Complex sa Taguig City.

Dikdikan ang laban mula simula at nakontrol lamang ng Manila ang laro sa huling limang minuto. Matapos maitabla ang iskor sa 66all, kumana si Jayford Rodriguez ng pitong sunod na puntos para sa 7366 bentahe mahigit tatlong minuto ang nalalabi sa laro.

Komunekta si Kojak Melegrito sa layup at free throw para maidikit ang QC sa 69-73, subalit muling humirit si Rodriguez sa naibuslong floater para sandigan ang Manila at ipatikim sa QC ang unang kabiguan.

Nanguna si Rodriguez sa Manila sa naiskor na 19 puntos at siyam na rebounds, habang kumana sina Paolo Quiminales at Almel Orquina ng 13 at 12 puntos, ayon sa pagkakasun­od.

Hataw si Melegrito sa QC sa naharbat na 21 puntos at anim na assists, habang kumana si Cyrus Tabi ng 16 puntos, apat na rebounds, at limang assists.

Sa unang laro, dinurog ng Caloocan Supremos All-Star ang Las Pinas Home Defenders, 12858.

Hataw si Aldrin Ligon sa natipang 27 puntos at 10 rebounds, habang humirit si Jethro Sombero ng double-double -- 17 puntos at 14 boards.

Nanguna si Joshua Icawat sa Las Pinas sa naiskor na 19 puntos, limang rebounds, at limang assists.

Sa iba pang laro, ginapi ng Taguig ang Marikina, 84-73.

Pinangunah­an ni dating pro John Ferriols ang General sa impresibon­g 16 puntos at 12 rebounds.

Nanguna si Ralph Jeffrey Deles sa Marikina na may 17 puntos at siyam na rebounds, habang tumipa si John Gervacio ng 12 puntos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines