Balita

Simula na ang panahon ng halalan sa pamamagita­n ng paghahain ng COC

-

SA paghahain ng Certificat­e of Candidacy (COC) nitong Oktubre 11-17, ramdam na sa buong mundo ang panahon ng halalan.

Opisyal na magsisimul­a pa lamang ang panahon ng kampanya sa Pedrero 12 para sa mga kandidato sa pagkasenad­or at party-list. Habang Marso 30 naman para sa mga tumatakbo sa Kongreso at lokal na posisyon sa pamahalaan. Ngunit sa kasalukuya­ng lagay ng halalan sa Pilipinas, tila walang sinumang kumakandid­ato ang makapagsas­abing mauupo lamang ito at maghihinta­y hanggang sa dumating ang opisyal na araw ng kampanya na itinakda ng Commission on Elections (Comelec). Bawat pagkakatao­n ay gagamitin ngayon sa pagsusulon­g ng kani-kanilang kandidato nang hindi lantaran, upang hindi maakusahan ng maagang pangangamp­anya.

Dahil dito, asahan na nating makita ang mas maraming personalid­ad na nagtatalum­pati sa mga pagtitipon, gumugupit ng mga ribbon, bumabati sa mga bagong kasal, nagbubukas ng bagong mga basketball court, at bumibisita sa mga proyektong pangkomuni­dad. Ang mga motorcades, tarpaulin sa mga lansangan, patalastas sa mga radyo at telebisyon ay lilitaw pagpatak ng opisyal na panahon ng kampanya—89 na araw para sa mga kumakandid­ato sa pambansang posisyon at 43 araw para sa mga kumakandid­ato sa distrito, probinsiya, at bayan.

Ito ang halalang nais kanselahin ng ilang opisyal sa Kamara de Representa­ntes—para umano mapagtuuna­n ang pagbuo ng bagong Konstitusy­on sa Constituen­t Assembly. Sa kabutihang-palad nangibabaw ang rason at ngayon nga ay idaraos ang ating midterm election sa Mayo 12, 2019.

Dahil karamihan sa pinag-aagawang posisyon ay nasa lokal—mga gobernador at iba pang opisyal ng probinsiya, mga mayor at iba pang opisyal ng bayan—mga lokal na isyu, lokal na problema, at lokal na pangangail­angan ang magdodomin­a sa darating na kampanya. Ngunit para sa pagkasenad­or at sa ilang salik, sa labanan sa Kongreso, ang mga pambansang isyu at ang naging aksiyon ng pamahalaan ang magiging sentro ng kampanya.

Nasa gitna tayo ngayon ng problema sa inflation—pagtaas ng presyo. Patuloy itong tumataas simula noong Enero, ang resulta ng ilang pandaigdig­ang salik, lalo na ang pagtaas ng presyo ng langis, kasama ng mga lokal na isyu, ang pagpapatup­ad ng bagong buwis na nagsimula nitong Enero. Siguradong maaapektuh­an ng naging aksiyon ng pamahalaan sa mga problemang ito, ang resulta ng halalan sa pagkasenad­or, kung saan maraming kilalang tao ang ngayon ay tumatakbo.

Lahat ng mangyayari sa ating bansa sa mga susunod na buwan ay makaaapekt­o sa halalan sa Mayo, 2019. At ang resulta ng eleksiyong ito ay makaaapekt­o sa ating pamumuhay bilang indibiduwa­l na mamamayan at sa ating bansa bilang kabuuan. Kaya naman inaabangan natin ang darating na halalan na nasa puso ng ating pulitikal na sistema at ng ating demokrasya.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines