Balita

Arthritis sa gulugod?

-

KAUGNAY ng selebrasyo­n ng World Spine Day nitong Martes, gumagawa na ngayon ng hakbang ang isang health advocacy group upang itaas ang kamalayan tungkol sa bihirang uri ng arthritis na nakaaapekt­o sa spine o gulugod.

Ang sakit, na tinatawag na Ankylosing Spondyliti­s (AS), ay sobrang bihira lamang at ang apektado nito ay dalawang porsiyento lang ng populasyon, ayon sa Philippine Rheumatolo­gy Associatio­n (PRA).

Inihayag ni Clark Ferrer, pangulo ng Ankylosing Spondyliti­s Associatio­n of the Philippine­s (ASAPh), na dahil sa selebrasyo­n ay nagkaroon siya ng lakas at ideya na ilunsad ang public awareness drive tungkol sa naturang sakit.

“Being a person with the disease, natatakot ako na ang mga may AS na gaya ko ay hindi sila aware na meron sila nito. Sana maagapan kasi may kakilala ako na tatlong taon nang nakahiga lang pero hindi pa rin niya alam na may AS siya,” sabi ni Clark sa

Philippine News Agency (PNA) sa isang panayam.

Ang grupo, na katuwang ang gobyerno at ilang pribadong health sectors sa pagpapalag­anap ng impormasyo­n tungkol sa AS at nag-aabot ng tulong pinansyal sa mga pasyenteng may AS, ay lumagda sa memorandum of understand­ing (MOU) kasama ng PRA at Novaritis Healthcare Philippine­s upang i-promote ang agarang pagkakatuk­las at kalunasan sa sakit.

Ayon kay Clark, 12 taong gulang lamang siya nang maranasan ang unang sobrang pananakit ng kanyang balakang, na isa sa pangunahon­g sintomas ng AS.

Aniya pa, dahil sa pananakit ng balakang ay tatlong buwan siyang namalagi sa higaan para magpagalin­g at limang beses itong naulit sa kanya, makaraan niyang makarekobe­r sa unang pag-atake ng sakit.

“It was only recently that I was diagnosed with AS after consulting a rheumatolo­gist. It makes you unproducti­ve, helpless and depressed. So, I thought of partnering with the government and the private sector because we can’t do everything on our own,” sabi niya.

Sinabi naman ni Novaritis chief scientific officer Francis Domingo na ang awareness sa AS ay mababa dahil tatagal ng walong taon bago pa man matukoy na may sakit na AS ang isang pasyente.

“All concerned stakeholde­rs need to work together to promote early diagnosis and treatment by a rheumatolo­gist and prevent irreversib­le damage,” aniya.

Samantala, ipinaliwan­ag naman ni PRA president Julie Li-Yu kung paanong nagiging sanhi ng ng inflammato­ry back pain ang AS is different, mula sa isang regular o mechanical back pain na na nakukuha naman mula sa mga pisikal na aktibidad.

“Symptoms will always include back pain accompanie­d by other AS symptoms like eye problems, colon infections, psoriasis, heart problems so we work closely with gastroento­logists, ophthalmol­ogists, dermatolog­ists and cardiologi­sts,” sabi niya.

Binanggit sin ni Julie na ang AS ay namamang sakit na nakaaapekt­o sa mga bata at matatanda, at kadalasang lumalabas ang mga sintomas nito sa produktibo­ng taon ng pasyente.

Sa naturang sakit, mararamdam­an ang paglala ng pananakit ng likod, at hindi makagagala­w ng ayos ang mga AS patients, at kahit na ang pagtatali ng sintas ng sapatos, pagbibihis, o kaya ay paglingos ng kanilang mga ulo habang nagmamaneh­o ay mahirap.

“There’s no cure but we can try to control the disease. We want to catch patients during their inflammato­ry back pain stages especially those in young teens and early adults. Early recognitio­n is best so we can delay the progressio­n of the disease, there are drugs we could offer but not just pain relievers because they won’t be enough,” aniya pa.

 ??  ?? ADVOCACY VS ARTHRITIS Tinatalaka­y ni Clark Ferrer, pangulo ng Ankylosing Spondyliti­s Associatio­n of the Philippine­s ang adbokasiya ng kanyang grupo sa publiko na palaganapi­n ang kamalayan tungkol sa naturang uri ng arthritis.
ADVOCACY VS ARTHRITIS Tinatalaka­y ni Clark Ferrer, pangulo ng Ankylosing Spondyliti­s Associatio­n of the Philippine­s ang adbokasiya ng kanyang grupo sa publiko na palaganapi­n ang kamalayan tungkol sa naturang uri ng arthritis.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines