Balita

Acting makes me happy—Gina Pareño

- Ni REMY UMEREZ

LIMANG kabataang babae at lalaki ang pinasikat ng Sampaguita Pictures noong 1966, at binansagan silang Stars 66. Kabilang dito si Gina Pareño, na sa edad na

68 ay aktibo pa sa pagganap. Tiyempo namang sa showing ng bago niyang pinagbibid­ahang pelikula na Hintayan sa Langit ay ipagdiriwa­ng niya ang kanyang kaarawan.

Kakaiba ang istorya ng Hintayan sa Langit, na sa unang pagkakatao­n ay magiging leading man ni Gina si Eddie Garcia, na produkto rin ng Sampaguita Pictures. Idinirek ito ni Dan Villegas, na unti-unting gumagawa ng pangalan as a young, brilliant director.

Kuwento ni Gina, sa simula pa lang ng istorya ay patay na sila ni Eddie. Mga kaluluwang nasa Purgatoryo kasi ang role nila, at naghihinta­y silang mailipat sa langit. “Noong nabubuhay pa kami ay nagkaroon kami ng relasyon ni Eddie pero hindi kami nagkatuluy­an. Dito papasok ang vow sa marriage na ‘til death do us part’,” sabi ni Gina. Maraming pinagdaana­n ang aktres kung love life ang paguusapan. Pero ang mahalaga raw ay masaya siya sa kanyang pribadong buhay kapiling ang anak na si Raquel at ang mga alaga niyang aso.

Laking pasasalama­t ni Gina at hanggang ngayon ay may mga movie producers na nagtitiwal­a sa kakayahan niya sa sining ng pagganap. Pakiramdam din kasi niya ay hindi siya kumpleto kapag hindi siya umaarte.

“It is the one thing which makes me happy,” patapos na wika ng batikang aktres. Kabilang ang Hintayan sa Langit sa mga ipalalabas sa QCinema 2018 film festival sa Oktubre 21-30.

 ??  ?? Gina
Gina

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines