Balita

Bossing Vic at Coney, buo ang suporta sa anak

- Ni NORA V. CALDERON

NAG-FILE na rin nitong last day ng filing ng Certificat­e of Candidacy (COC) ang number one councilor ng Pasig City na si Vico Sotto.

Sinamahan si Councilor Vico ng parents niyang sina Vic Sotto at Coney Reyes sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Pasig City Hall.

Hindi man artista si Councilor Vico, kilalangki­lala naman siya ng mga tagasubayb­ay ng Eat

Bulaga, lalo na iyong mga kababayan niya kapag sa kanilang lugar napupunta ang Sugod Bahay ng “Juan For All All For Juan” segment ng long-running noontime show, dahil personal siyang pumupunta sa lugar at sinisiguro ang katahimika­n habang ginagawa ang show, na ikinatutuw­a ng mga tagaroon.

Wala raw naman kasing balak mag-artista si Vico, tama na ang kanyang Tatay Vic at Nanay Coney sa showbiz.

Tatakbo si Councilor Vico sa ilalim ng partido ng Aksyon Demokratik­o, at babanggain niya ang ilang taon nang namamayagp­ag na mga Eusebio.

Post ni Vico sa Facebook: “Sa susunod na mga araw ikukuwento ko sa inyo ang dahilan kung bakit ako tumakbo at ang mga plataporma natin para sa lungsod. God bless Pasig!”

May post isa pang post ang 29-anyos na konsehal: “There is a time for everything, and a season for every activity under the heavens.”

Sa live video after his filing of candidacy nangako sina Bossing Vic at Coney ng suporta sa kandidatur­a ng kanilang anak. Sa katunayan, nag-timeout muna si Bossing Vic sa Eat Bulaga at si Coney sa taping niya ng Victor Magtanggol nitong Wednesday para samahan ang kanilang anak.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines