Balita

Megan at Mikael, mas tumatag ang relasyon sa ‘Step Daughters’

- Nora V. Calderon

NOVEMBER 2017 pa lamang ay magkakasam­a na sa taping ang main cast ng The Step Daughters sa afternoon prime ng GMA 7, na sina

Megan Young, Katrina Halili at Mikael Daez, kaya naman ngayong huling araw na ng serye nila mamayang hapon, ay tiyak daw na mamimiss nila ang isa’t isa.

Unang nagpahayag si Megan Young, na gumaganap bilang si Mayumi, ng kanyang nararamdam­an.

“Of course lahat ng tao na naka-work ko sa series. From the production na sobrang babait, to our director. Wala kasi kaming ginawa rito kundi tumawa after each take.

“Pero ang pinakamami-miss ko talaga, si Katrina. I never thought magiging ka-close ko siya dahil forever kaming magkaaway sa mga eksena. Ang dami kong natutunan sa kanya pagdating sa pagarte. ‘Yung pinakagust­o ko du’n is ‘yung pagsampal na parang totoo pero acting lang pala.”

Singit naman ni Mikael Daez na si Francis sa serye:

“The Step Daughters is special for me because ito ‘yung unang soap na magkasama kami ni Megan. But ‘yung pinaka-unforgetta­ble experience ko is ‘yung mga eksena ko with Sef (Cadayona) and EA (Guzman) kasi nagkaroon kami ng bond. Napakakuku­lit kasi nila and they don’t make you feel like this is work. Talagang masaya lamang at mahuhusay sila at marami akong natutunan sa kanila.” Sabi naman ni Katrina Halili as Isabelle: “Mami-miss namin ‘yung samahan. Nakakalung­kot pero happy kami na nakilala namin ang isa’t isa. Sa trabaho kasi importante na okay ka sa lahat, para everytime na papasok ka, happy kayong lahat. Si Megan, wala akong masasabi sa kabaitan niya.”

Ang aabangan ngayong hapon ay kung makakaya ba ni Mayumi na maipagtang­gol ang sarili niya kay Isabelle. May maganda pa namang pangyayari sa kanila ni Francis dahil nalaman na nito na magkakabab­y na sila at tinanggap niya ang marriage proposal ni Francis. Pero si Isabelle, ayaw talagang tumigil hanggang hindi niya napapatay si Mayumi.

Abangan ang explosive finale mamaya. Matutupad kaya ang gusto ng netizens na sumusubayb­ay sa serye, na isang malagim na kamatayan ang mangyari kay Isabelle?

 ??  ?? Megan at Mikael
Megan at Mikael

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines