Balita

Water station, nagdeliver ng shabu

- Ni MARTIN A. SADONGDONG

Dalawang drug suspects na umano’y gumamit ng water-refilling station para mag-deliver ng shabu sa kanilang kliyente ang naaresto sa Quezon City at iniharap ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nitong Biyernes.

Kinilala ni NCRPO Director Guillermo Eleazar ang mga inaresto na sina Ronald Pineda, alyas Kuto, 45; at Dante Destura, 31, kapwa residente ng Barangay Old Balara, Quezon City.

Nagsagawa ng operasyon ang mga elemento ng Metro police’s Regional Drug Enforcemen­t Unit (NCRPO-RDEU) at nakipagtul­ungan sa Quezon City Police District’s Drug Enforcemen­t Unit (DDEU) at Batasan Police Station (PS-6)’s Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) laban kina Pineda at Destura, badang 3:30 ng hapon nitong Huwebes.

Sa 1:42-minute long video mula sa NCRPO-RDEU, isang lalaking sibilyan ang pumasok sa bahay ni Pineda. Ang lalaki ay undercover agent ng RDEUNCRPO na nakabili ng limang pakete ng ilegal na droga mula kay Pineda.

Sumenyas na ang poseur-buyer at nagpasukan ang raiding team sa bahay. Ang sumunod na eksena ay mapapanood na ang dalawang suspek ay nasa sahig habang natagpuan ang P1,000 bill na marked money sa mesa.

Ayon kay Eleazar, nakuha sa mga suspek ang shabu na may bigat na 25 gramo at nakasilid sa kaha ng sigarilyo. Nakuha rin ang anim pang pakete ng hinihinala­ng shabu.

Sa kabuuan, nasa 11 pakete ng droga, na may bigat na 100 gramo at nagkakahal­aga ng P680,000, ang narekober sa operasyon.

“To cover up his transactio­ns Pineda uses a modus operandi by running a waterrefil­ling station as a legal front business for him to sell and transport illegal drugs while delivering water uspplies to his clients,” pahayag ni Eleazar.

Idiniretso sina Pineda at Destura sa NCRPO-RDEU detention cell at kinasuhan ng paglabag sa Sections 5 o selling, 11 o possession at 26 o attempt or conspiracy to sell dangerous drugs sa ilalim ng RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines