Balita

Pinagmulan ng hate tweets vs Regine, tinukoy?

- Nitz Miralles

SI Beverly Salviejo nga ba ang Twitter user na pinanggali­ngan ng serye ng tweets laban sa paglipat ng network ni Regine Velasquez?

Legit nga kayang kay Beverly ang Twitter account na nag-post ng matatapang na tweets, na malinaw na hindi natakot na kuyugin siya ng sandamakma­k na fans ng Asia’s Songbird.

Unang tweet ng may Twitter handle na Beverly Salviejo: “Iba na ang panahon ngayon, wala nang loyalty kahit ginawa nila lahat para sa ‘yo, nag-adjust ang network para sa ‘yo, mapagbigya­n ka lang, pero anong isinukli mo? Lahat ng bagay hindi nagtatagal, hindi lahat ng bagay na kumikinang ay tumatagal.”

Kaagad iyong sinundan ng isa pang tweet: “Kasi naman, lahat ng adjustment ay ginawa nila para sa kanya. ‘Di ba, iyang Sarap

Diva ay binuo para lang sa kanya, dahil ayaw na raw niyang mag-soap? Pati nga ang The

Clash ay ginawa rin para sa kanya, ‘di ba? Siguro ang dapat na lang niyang patunayan ay loyalty.”

Ang pinakamati­ndi sa tweets ng nagpakilal­ang si Beverly: “Some people used GOD’s name to conceal their vile personalit­y, they’re really cunning and deceitful Machiavell­ian.”

May mga nag-agree sa tweets ng nagpakilal­ang si Beverly Salviejo, pero meron din namang nag-disagree at ang iba’y nagalit pa sa kanya. Hindi lang daw naintindih­an ng mga hindi pabor sa paglipatne­twork ni Regine na gusto ng growth ng singer-actress.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines