Balita

Zues, type na partner si Maja

TYPE MAKA-SHOWDOWN SI MAJA

- Ni MERCY LEJARDE

YES! Ang Hashtag member at Star Magic artist na si Zeus Collins ang may hawak ngayon ng titulong “God Of The Dance Floor” dahil sa kanyang mga nakakainda­k na dance moves, na tipong sawa ang katawan niya na parang walang buto kung bumalukbal­uktot sa pagsasayaw.

At sa November 3 nga ay magkakaroo­n siya ng dance concert, ang The Dance Machine na produced by Istudyo ni Pipay, at gaganapin sa SM North EDSA Sky Dome. Makakasama ni Zeus sina Dawn Chang, Ryan Bang, Nikko Trinidad, Paulo Angeles, Jimboy Martin, Charles Kieron, at Jameson Blake.

Special guest ni Zeus ang young performer at YouTube personalit­y na si Lady Pipay. Matatandaa­ng nag-perform si Zeus sa birthday show ni Lady Pipay at trending ang video ng kanilang Bboom Bboom dance number, with over 350,000 views to date.

Sobrang happy at ganado si Zeus na nagsayaw at humarap sa showbiz press during his The Dance Machine presscon nitong Miyerkules.

Zeus is very much happy to be given the chance to perform to a live audience anew kasi it’s more than a year na since he first took on the dance concert stage.

“Excited po akong ipakita sa mga manonood ang mga production numbers na hindi nila madalas na nakikitang ginagawa ko. Masayang-masaya po ako na may nagtiwala uli sa akin na magkaroon ng dance concert,” sabi ni Zeus.

“Maraming salamat sa Istudyo ni Pipay, ang producer po ng aking dance concert. Sana rin, pagkatapos nilang manood ng concert ko, eh, mas ma-appreciate pa nila ang pagsasayaw.”

Nakaka-release ba ng stress, tension at sexual desires ang pagsasayaw?

“Ay, opo. Talagang nakaka-relax, lalo na kapag may problema. Lagi po akong nakikinig ng music, tapos ‘pag nagsasayaw ako, nawawala lahat ng stress at tension sa katawan ko, nawawala ang lungkot ko. Iba po ang pakiramdam ko kapag nakakarini­g ako ng danceable music, talagang hindi ko mapigilang mapaindak. At naia-upload ko sa You Tube.

“Yes po, nakaka-release rin ng sexual desires. Ha, ha, ha! Kaya nga po may dirty dancing tayong tinatawag.”

Sa mga female co-stars niya sa Kapamilya Network sino ang gusto niyang makapareha sa sayaw?

“Si Maja Salvador po. Kasi ang husay-husay niyang sumayaw. Talagang nakakaengg­anyo ang kanyang mga dance moves. She’s really a good dancer.”

Gusto mo rin ba siyang maging dance partner in real life?

“Ay, opo. Gustung-gusto po. Pero sana kung puwede. Why not?”

Eh bakit hindi mo siya ligawan? “Hindi po. Baka hindi na puwede. Kasi Maja Salvador na po siya. At baka may magalit pa. Ha, ha, ha! Friends na lang, ganun na lang po. Baka isipin pa ng iba diyan nanggagami­t ako. Si Lady Pipay na lang po, puwede pa, paglaki niya. Joke!” natatawang sabi ni Zeus.

Ang The Dance Machine ni Zeus is to be directed by dancer-choreograp­her Nesh Janiola. Mabibili ang tickets sa mga SM Ticket Booth, or just visit https://smtickets. com.

 ??  ??
 ??  ?? Zeus
Zeus

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines