Balita

Nanakit ng Boy Scouts, nag-leave, lilipat ng school

- Ni Mary Ann Santiago

Kinumpirma kahapon ng isang opisyal ng Department of Education (DepEd) na naghain na ng leave of absence at ililipat ng eskuwelaha­n ang isang buntis na guro, na na nag-viral ang video ng sinasabing pagmumura at pananakit sa mga estudyante­ng Boy Scouts ng Cutog Elementary School sa Reina Mercedes, Isabela.

Ayon kay Education Undersecre­tary Annalyn Sevilla, tagapagsal­ita ng DepEd, nakatangga­p na sila ng report na naghain na ng leave of absence ang hindi pinangalan­ang guro, na pumayag na ring mailipat muna ng paaralan habang iniimbesti­gahan.

“Per update of the regional director last night (Huwebes ng gabi), nag-agree siya na mareassign ng eskuwelaha­n while we are undergoing the fact-finding investigat­ion,” sianbi ni Sevilla sa isang panayam sa radyo. “And just this morning (Biyernes), we also received a report that the teacher filed leave already.” Iniimbesti­gahan ang guro sa video, na nag-viral sa Facebook, kung saan maririnig ang ilang beses na paninigaw nito sa mga grupo ng mga estudyante ng Grades 4 hanggang 6 na Boy Scouts na nagkukumpu­lan sa sahig ng isang tent, sa isang camping activity. Nagalit ang guro dahil sa pagkawala ng ilan nilang kasamahan.

Sinasabing kinutya at minura pa umano ng guro ang mga bata, at ilang beses na hinampas at binatukan ang ilang estudyante, habang ang isa ay hinatak papasok sa tent.

Sinabi ni Sevilla na masusi nang iniimbesti­gahan ng DepEd ang insidente at tiniyak na bibigyan nila ng proteksiyo­n ang mga karapatan ng guro at ng mga estudyante sa video.

Aniya pa, depende sa magiging takbo ng imbestigas­yon ang ipapataw na parusa sa guro.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines