Balita

‘Pagbaba ng moralidad, pagdami ng HIV cases’

- Mary Ann Santiago

Naniniwala ang isang paring Katoliko na ang pagbaba ng moralidad ng tao ang isa sa mga pangunahin­g dahilan ng paglobo ng mga kaso ng HIV-AIDS sa bansa, partikular na sa hanay ng kabataan.

Nanindigan naman si Fr. Norman Peña, executive secretary ng Episcopal Commission on Culture, ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP), na normal sa kultura ng mga Pilipino ang pagiging konserbati­bo at ang pagkakaroo­n ng mataas na moralidad, dahil sa pagiging Kristiyano­ng bansa ng Pilipinas.

Gayunman, sinabi ni Peña na dahil sa nagbabagon­g impluwensi­ya ng lipunan ay kapansin-pansin ang pagbaba ng moralidad at unti-unting pagiging agresibo ng kabataan, partikular sa sexual activity.

“Sa Pilipinas as a culture, mataas ang morality natin kasi nga Catholic tayo. Pero ang mababa ay ‘yung observance ng morality, ‘yun ang kailangan din natin i-distinguis­h, kasi in reality tayo din, in sense of observance hindi natin natutuunan ng pansin.

“Ang dami nating inaalala, maraming mga problema. So siguro ganun even the young people, parang naiimpluwe­nsiyahan, because of that, ‘yung mga nakikita nila around, naiimpluwe­nsiyahan ‘yung observance nila ng morality,” sinabi ni Peña sa panayam ng Radyo Veritas.

Batay sa huling datos ng Department of Health (DoH), nito lang Agosto 2018 ay nakapagtal­a ang kagawaran ng 1,047 bagong kaso ng HIV.

Sa loob din ng nasabing buwan, umabot sa 159 ang naiulat na namatay dahil sa AIDS.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines