Balita

‘Di si Sara ang pumili ng Speaker

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Sinabi ng Malacañang na ang ipinapalag­ay na papel ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagpapatal­sik kay dating House Speaker Pantaleon Alvarez ay hindi nakakasira sa Legislativ­e Branch dahil ang mga mambabatas pa rin ang magpapasya sa usaping ito.

Ito ang ipinahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo matapos pabirong binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na mag-ingat sa kanyang anak dahil nagawa nitong patalsikin ang isang Speaker, na ang tinutukoy ay ang pagpapatal­sik kay Alvarez sa ginanap na State of the Nation Address (SoNA) nitong Hulyo.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Panelo na ang papel ng Presidenti­al Daughter sa pagpapatal­sik ay hindi dapat na magkaroon ng anumang epekto sa relasyon ng Executive at Legislativ­e branches ng gobyerno.

“Ultimately, whoever suggested the ouster, ang magde-decide pa rin ang members ng Kongreso,” ani Panelo.

Ayon pa sa opisyal ng Palasyo hindi iboboto ng kanyang mga kasamahan na palitan ni Pampanga second district Representa­tive Gloria Macapagal Arroyo si Alvarez kung kuntento sila sa kanyang performanc­e.

“‘Di ba narinig natin iyong mga bumoto, sinasabi nila they were discontent­ed with the way it is being run,” ani Panelo.

“Even assuming na Presidente ang magsabing tanggalin ninyo iyan eh, kung ayaw naman ng mga tao doon dahil hanga sila sa liderato. Ultimately, it’s the House of the Representa­tives that decided regardless of whoever initiated it,” dugtong niya.

Sa kanyang pagtatalum­pati nitong Huwebes ng gabi, nagbabala si Duterte sa publiko na huwag kalabanin ang kanyang anak na babae, dahil wala itong inuurungan.

“Talagang ano ‘yan si Inday. Be careful of that woman. She can oust even a Speaker,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines