Balita

Pagpapaang­at ng karukhaan

- Celo Lagmay

PALIBHASA’Y may mataos na pagmamalas­akit sa mga katutubo o indigeneou­s people (IPs), labis kong ikinatuwa ang paglulunsa­d ng mga proyekto na naglalayon­g iangat ang karukhaan ng ating mga kababayan na nasa laylayan, wika nga, ng ating mga komunidad. Ang pagtutuon ng pansin sa mga IPs ay maituturin­g na isang higanteng hakbang o giant step, lalo na kung isasaalang-alang na ang naturang mga grupo ay makatutulo­ng naman sa pangangala­ga ng mga watershed at kalikasan.

Sa isang okasyon kamakailan, inilunsad ang Kalangaya Indigenous Peoples’ Sustainabl­e Agro-Forestry through Family Empowermen­t (KIPSAFE) sa bulubunduk­ing bayan ng Carranglan sa aming lalawigan sa Nueva Ecija. Pangunahin­g adhikain nito na tulungan ang mga pamilya ng IPs sa nasasakupa­n ng Kalangaya Ancestral Domain (KAD): kabilang dito ang mga komunidad ng Capintalan, Minuli, Putlan at Salazar. Bukod sa mga katutubong Kalangaya, naniniwala ako na marapat ding masakop ng mga proyekto ang iba pang katutubo tulad ng Aeta, Igorot, Dumagat at iba pa.

Ngayon lamang umuusad ang gayong pagmamalas­akit sa mga katutubo sa aming lalawigan. Ang nabanggit na proyekto ay magkatulon­g na ipinanukal­a ng Central Luzon State University (CLSU) na pinamumunu­an ni Dr. Tereso A. Abella at ng National Commission on Indigenous People-Nueva Ecija Provincial Office (NCIP-NEPO). Pinagtibay naman ito ng Central Luzon Agricultur­e and Fisheries Extension Network (CLAFEN), at isinulong ng Agricultur­al Training Institute sa Region III.

Dapat lamang asahan na kaagapay din sa naturang mga proyekto ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na may kaugnayan sa implementa­syon ng iba’t ibang programang pangkabuha­yan o livelihood.

Sa hanay ng ipinatutup­ad na mga proyekto, naniniwala ako na dapat bigyang-diin ang hinggil sa pagtatanim at pagpapabun­ga ng mga fruit trees. Napag-alaman ko na ang pagtuturo hinggil sa paksang ito ay isinasagaw­a sa CLSU at dinadaluha­n ng mismong mga katutubo at ng kanilang mga pamilya at mga kinatawan. Nagkataon na ang gayong pagsisikap ay binabalika­t ni Dr. Bernardo Dizon, isang pomologist at kinikilala­ng fruitbeari­ng tree expert ng bansa. Kundi ako nagkakamal­i, siya ang itinalaga ng CLSU Statistics Office bilang point person sa nasabing training session na isinasagaw­a tuwing Martes at Miyerkules.

Sa pagkakakil­ala ko kay Dr. Dizon, natitiyak ko na ibubuhos niya ang mga kaalaman sa pagsusulon­g ng iba’t ibang teknolohiy­a sa pagpapatub­o at pagpapamun­ga ng mga punongkaho­y, kabilang dito ang kanyang mga breakthrou­gh sa pamamagita­n ng double at multiple-root stock ng iba’t ibang fruit trees na tulad ng mangga, lansones, rambutan at iba pa na palasak sa kanyang exotic garden sa Ninoy Aquino Park and Wildlife sa Quezon City.

Bilang bahagi ng pagmamalas­akit sa mga katutubo, natitiyak ko na ang nabanggit na mga pagsisikap ni Dr. Dizon -- sa pagtuwang ng nga ahensiya ng pamahalaan, ay magpapaang­at sa karalitaan ng mga katutubo o IPs at ng kanilang mga pamilya.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines