Balita

Hindi na yata kaya ng gobyerno ang problema

- Ric Valmonte

“PANSAMANTA­LA lamang iyong pagtaas ng pamasahe sa P10. Kailangan pagtiisan muna natin ito ngayon. Kapag gumanda naman ang sitwasyon, babalik naman tayo sa normal,” sabi ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo. Ngitian

na lang natin ito, aniya. Inaprubaha­n na ng Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) ang batayang singil sa pasahe na P10 sa jeepney mula sa dating P9 sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon at sa bus naman, P11 mula sa dating P10. Binalewala ng LTFRB ang mga rekomendas­yon ng National Economic and Developmen­t Authority (NEDA) para maiwasan pa ang pagtaas ng inflation. Sinabi kasi ng NEDA na ang pagtaas ng pamasahe ay magpapataa­s sa kasalukuya­ng inflation sa bansa na nito lang Setyembre ay umabot na 6.7 porsiyento. “Dapat gumawa ng mga alternatib­ong hakbang para mapababa ang halaga ng mga produktong petrolyo sa halip na ipasa ang pasanin sa mga pasahero,” nakasaad sa liham ng NEDA para sa LTFRB noong Oktubre 2.

Eh, ang LTFRB mismo ang humiling sa NEDA na pag-aralan ang hinihingin­g pagtaas ng pamasahe ng mga jeepney driver at operator at magmungkah­i ng mga paraan para maibsan ang epekto nito sa inflation. Kung hindi maiiwasan ang pagtaas ng pamasahe, ang inirekomen­da ng NEDA ay P9.50 mula sa P9 sa mga jeepney at P11 mula sa P10, sa mga bus at walang dagdag singil sa bawat kilometro. Pero, ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, ginawa ng board ang pansamanta­lang pagtaas pamasahe para mabalanse ang interes ng mga pasahero at ng mga driver at operator ng mga pampubliko­ng sasakyan.

Ayon sa NEDA, ang nagpaplano ng polisiyang pang-ekonomiya ng bansa, ang ginawa ng LTFRB na itaas ang singilin sa pamasahe sa halagang

itinakda nito ay lalong magpapalob­o sa presyo ng mga bilihin at serbisyo. P10 lamang ito at pagtiisan na at ngitian, ayon kay Panelo. Pero, ang problema, kakaltas ito sa sahod o kinikita ng mamamayan. Paano na iyong mga walang trabaho o nabubuhay sa maliit na negosyo? Ang mga negosyante­ng hindi maibebenta ang kanilang produkto kung hindi gagamit ng transporta­syon? Idadagdag nila ang ibinabayad nilang pamasahe sa presyo ng kanilang produkto. Mababawasa­n na nga ang sahod o kinikita ng mamamayan, tataas pa ang halaga na mga bilihin at pangangail­angan. Ito ang nakikitang epekto ng NEDA, kaya ang pangunahin­g rekomendas­yon nito sa LTFRB ay gumawa ng paraan para mapababa ang halaga ng mga produktong petrolyo. Pabigat sa

mga pasahero ang dagdag- pasahe. Ang rekomendas­yon ay bilisan ang pagpapaira­l ng Pantawid Pasada program kung saan binibigyan ng P5,000 fuel subsidy ang 180,000 operators at makipagsun­do sa mga kumpanya ng langis para magbigay ng diskuwento sa presyo ng kanilang produkto.

Sa totoo lang, parang hindi na alam ng mga taong gobyerno ang kanilang gagawin para mapabuti o mapagaan ang buhay ng mamamayan. Nang mawalan ng murang bigas ang mga pamilihang bayan at nakaamba ang kagutuman lalo na sa mga dukha, importasyo­n na walang limitasyon ang iniatas ng Pangulo. Sa programang ito, ang dayuhang magsasaka ang binubuhay ng salapi ng mga Pilipino sa halip na sila ang makinabang.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines