Balita

Jason, take one lagi sa transgende­r role

- Ni NITZ MIRALLES

PATI sina Carla Abellana at Kris Bernal ay kinilig sa pagbabalik-tanaw ni Jason Abalos sa love story nila ng girlfriend niyang si Vickie Rushton.

Ikinuwento ni Jason na eight years ago ay fan lang niya si Vickie, na umakyat daw sa stage para kantahan ni Jason sa isang show ng aktor. Kilig na kilig daw si Vickie habang kinakantah­an ni Jason, at ang dalaga raw ang nanligaw sa aktor; pumupunta pa raw sa Maynila para lang dalawin si Jason.

Sinagot ito ni Vickie ng pambubukin­g sa boyfriend. Aniya, hindi nga raw makakanta si Jason habang nasa stage sila dahil nangingini­g. Kaya ang tanong ni Vickie, sino sa kanilang dalawa ang kinikilig that time?

Nakakatawa ang naging sagot ni Jason sa girlfriend: “@vimrushton wag ka nambabasag, don ka sa account mo gumawa ng caption.” Sa sagot ni Vickie, iginiit niyang binabaligt­ad ni Jason ang kuwento sa una nilang pagkikita. Dagdag pa ni Vickie, malayo raw siya ng stage nang makita siya ni Jason. Pinilit daw siya ng aktor na umakyat sa stage at doon na nagsimula ang maganda nilang love story. Samantala, si Vickie ang peg ni Jason sa Afternoon Prime na Asawa Ko, Karibal Ko, kung saan transgende­r ang role ng aktor. Ginaya niya ang kilos at pananalita ni Vickie, pati yata ang pag-aayos, kaya si Vickie at hindi si Jason ang mapapanood sa nasabing serye. Mapapanood na sa Lunes ang Asawa Ko, Karibal Ko, sa direksiyon ni Mark Sicat dela Cruz.

“First time ko sa ganitong role, na-challenge ako, kaya tinanggap ko,” sabi ni Jason. “Okay naman siya at feeling ko, tama naman ang acting ko dahil take one ang sinasabi ni Direk Mark pagkatapos. “Nahirapan lang ako sa mga eksena namin ni Matthias Rhoads, at sobra akong nahirapan sa eksenang kailangan kong magsuot ng high heels dahil masakit sa paa,” sabi ni Jason.

 ??  ?? Jason
Jason

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines