Balita

Comedy ni Sophie, patok sa viewers

- Nitz Miralles

PANAY ang pasasalama­t ni Sophie Albert sa viewers ng dramedy na Pamilya

Roces ng GMA-7 dahil puringpuri ng mga ito ang acting niya bilang si Amber Bolocboc. Hindi akalain ng viewers na mahusay din palang komedyante si Sophie, at nakakasaba­y siya ng aktingan kay Elizabeth Oropesa, na gumaganap na ina niya sa serye.

Ang ganda lagi ng eksena ng mag-ina, lalo at pareho ang karakter nilang “loud”, “naive”, at “may pagkatanga”. Nakakatawa rin ang mga eksena nina Elizabeth at Sophie kapag nagko-convo na sila at parehong mali ang kanilang English.

Nag-react din si Sophie sa nag-comment na hindi nito akalaing magaling din pala sa comedy si Sophie, at bagay sa kanya ang karakter ni Amber.

“This makes me soo happy! Thank

you! I appreciate it,” reaksiyon ni Sophie sa netizens.

Kinagigili­wan din ng viewers ang tarayan nina Carla

Abellana at Sophie bilang halfsister­s sa serye. Kung gaano kasi ka-class at Inglisera ang pagtataray ni Carla, Tagalog, pa-bakla at jologs naman ang ganting pagtataray sa kanya ni Sophie, kaya mas nakakatawa. Marami pang tarayan nina Carla at Sophie sa susunod na mga episodes, kaya abangan.

Malungkot lang si Sophie dahil hindi napapanood ng kanyang ama ang mahusay niyang acting sa Pamilya Roces. Seventeen years na kasing comatose ang ama ni Sophie, kaya wala itong napapanood sa kahit isa sa mga TV shows ng anak.

 ??  ?? Sophie
Sophie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines