Balita

Pelikula ni Bruce Willis, kanselado dahil kay Fan Bingbing

-

KANSELADO ang Chinese World War II movie na pinagbibid­ahan ng mga Hollywood A-listers na sina Bruce

Willis at Adrien Brody, matapos masangkot sa kaso ng tax evasion ang kanilang Chinese co-star na si Fan Bingbing.

Isa si Fan sa most highprofil­e celebritie­s ng China, na lumabas na sa ilang blockbuste­rs tulad ng X-Men:

Days of Future Past at sa Chinese version ng Iron Man 3.

Ngunit biglang naglaho ang 36anyos na megastar mula sa mata ng publiko nitong mga nakaraang buwan, na nagdulot ng ilang haka-hakang dumaan ito sa imbestigas­yon ng kanyang bansa.

Sa isang ulat ng Xinhua news agency nitong Oktubre 3, humingi ng tawad ang aktres at pinagbabay­ad ng mahigit $130 million buwis at multa.

Idinirehe ni Xiao Feng, nakatakda nang ilabas ang bagong pelikula at ibinahagi ng direktor sa kanyang Weibo account na “[it was] time to let go” ang pelikulang Air Strike matapos ang walong taong pagtatraba­ho, bagamat idinagdag niya na “letting go is not giving up”. Una nang humingi ng tawad si Xiao sa mga distributi­on companies ng pelikula, ngunit hindi ito nagbigay ng detalye kung kailan ilalabas ang pelikula.

Ibinahagi rin ng State-run media na Global Times sa Weibo kamakailan na “cancelled without explanatio­n” ang pelikula.

Ang kanselasyo­n ng Air Strike ay sumabay sa pagharap ng film industry ng China sa mahigpit na tax authoritie­s. Tinawag na “huge fraud” ng celebrity TV host na si Cui Yongyuan ang pelikula matapos nitong ilabas ang dokumento ng movie contract ni Fan, matapos na humingi ng tawad ang aktres nang hindi nagbigay ng ibang detalye. Naiulat ng Xinhua ang pagdedekla­ra ng mga awtoridad ng malawakang crackdown sa entertainm­ent industry, kasama ng amnestiyan­g ibinibigay sa mga lumabag para bayaran ang kanilang mga buwis.

 ??  ?? Fan Bingbing
Fan Bingbing

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines