Balita

Royals Harry at Meghan, nag-enjoy sa Bondi

-

GAME nanagyapak kahapon ang Duke and Duchess of Sussex

at nagsuot ng tropical garlands sa kanilang naging pagbisita sa sikat na Bondi beach ng Sydney bilang bahagi ng kanilang 16 na araw na royal tour sa Australia. Isinantabi ng soon-to-be-mother na si

Meghan ang kanyang high heels at nagsuot ng summer dress habang naka-chinos naman si Harry sa kanilang pakikisala­muha sa mga Australian fans kasabay ng pag-e-enjoy sa Bondi.

Sa kabila ng fog, nakipagkit­a ang royal couple sa mga local surfer ng lugar at naupo sa buhangin para makipagkuw­entuhan sa mga leaders ng OneWave group, isang grupong nakatuon sa pagtulong sa mga taong maayos ang mental health sa pamamagita­n ng outdoor activities.

Sinalubong ng malakas na hiyawan mula sa kanilang mga taga-hanga ang magasawa, na mainit na tinanggap sa bansa mula nang magsimula ang kanilang Pacific tour.

“You hear people that met the Queen when she came here (in 1954)” pahayag ng 26-anyos na fan na si Christophe­r Cundle, “and they are still talking about it now.

“I can easily see that that is one of the things I will be talking to my grandkids and future generation­s about. It was awesome.”

Lalong nagpasabik sa mga tagahanga ng royal couple ang inihayag kamakailan na pagbubunti­s ng Duchess of Sussex.

Samantala, nakatakda namang magtungo ang pareha sa Queensland’s Fraser Island sa Lunes, ang world’s largest sand island, bago lumipad patungong Fiji, Tonga at New Zealand.

 ??  ?? Meghan at Harry
Meghan at Harry

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines