Balita

‘Kiss And Make Up’ nina Dua Lipa at Blackpink, inilabas na

- Ni JONATHAN HICAP

MAAARI nang mapakingga­n ang collaborat­ion song sa pagitan ng British pop star na si Dua Lipa at ng KPop girl group na Blackpink. Inilabas kahapon ni Dua Lipa ang kanyang album na Dua Lipa (Complete Edition), ang extended edition ng kanyang debut album na inilabas noong nakaraang taon.

Kabilang sa bagong bersiyon na ito ang Kiss And Make Up song na inawit ni Dua Lipa at ng Blackpink.

“I wrote it a while back with my friend @ChelceeGri­mes and it was in waiting for the perfect match! So yes the poster in BYM was bc of the already existing song. The BP girls have smashed it and I can’t wait for you to hear,” tweet ni Dua Lipa tungkol sa kanta.

Nito lang

Hunyo

ini-release ng Blackpink ang album na Square Up kung saan kabilang ang hit title track na Ddu-dud ddu-du.

Nakatakdan­g idaos ng grupo ang kanilang unang concert sa Seoul sa Nobyembre 10 at 11, na susundan ng paglalabas ng solo tracks ng bawat miyembro.

“All four members of Blackpink are planning to release solo tracks. Jennie will be the first runner of Blackpink’s new project,” pahayag ng YG Entertainm­ent, ayon sa YG Life blog.

Sinabi ni YG founder Yang Hyun-suk na susunod kay Jennie ang solo tracks ni

Rose, dagdag pa na “we planned this to present Blackpink’s outstandin­g individual talent and skills in addition to their strong

teamwork as a group.”

 ??  ?? Blackpink Dua Lipa
Blackpink Dua Lipa

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines