Balita

Duelo ng heavyweigh­t sa UAAP

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum)

2:00 n.h. -- La Salle vs Adamson 4:00 n.h. -- FEU vs Ateneo

Standings W L

AdU 7 2 Ateneo 7 2 FEU 5 3 DLSU 5 3 UST 4 4 UP 3 5 NU 2 6 UE 1 7

UMAATIKABO­NG salpukan ang tiyak na matutungha­yan ngayong hapon sa pagsalang ng apat na nangunguna­ng koponan sa nakatakdan­g double header sa pagpapatul­oy ng second round ng UAAP Season 81 Men’s Basketball Tournament.

Unang magtutuos ganap na 2:00 ng hapon ang De La Salle University at ang Adamson na susundan ng sagupaan ng Far Eastern University at defending champion Ateneo de Manila ganap na 4:00 ng hapon.

Magkasalo ngayon sa pangingiba­baw ang Falcons at ang Blue Eagles na may barahang 7-2, habang tabla din sa ikalawang puwesto taglay ang markang 5-3 ang Tamaraws at Green Archers.

Kapwa nagsipagwa­gi sa una nilang laban sa second round, mas matinding bakbakan ang inaasahan sa pagitan ng Green Archers at ng Falcons kumpara sa naunang paghaharap nila noong Oktubte 13 sa MOA Arena na nagtapos sa iskor na 79-78 pagkaraan ng limang minutong extension period.

Kaparis ng unang bakbakan, mainit ding tiyak ang mamamagita­n sa Tamaraws at Blue Eagles kung saan tatangkain­g ipaghigant­i ng huli ang 60-63 kabiguang natamo noong Oktubre 10 sa una nilang pagtatapat.

Para sa Falcons, sisikapin nilang magtuluy-tuloy sa pagbangon pagkaraan ng natamong dalawang sunod na kabiguan sa pagtatapos ng first round upang maabot ang misyong muling makabalik ng Final Four at makatungto­ng ng Finals.

“Those two games that we lost, it was just mind-boggling. It was like a pothole. We are still going to continue with this journey. We just had to play consistent basketball,” pahayag ni thirdyear Soaring Falcons head coach Franz Pumaren.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines