Balita

Pirates, nginata ng Red Lions

-

Mga Laro sa Martes (Filoil Flying V Centre, San Juan)

8:00 n.u. -- SSC vs AU (jrs) 10:00 n.u. -- SBU vs UPHSD (jrs) 12:00 n.t. -- SSC vs AU (srs) 2:00 n.h. -- SBU vs UPHSD (srs) 4:00 n.h. -- CSJL vs CSB (srs) 6:00 n.g. -- CSJL vs CSB (jrs)

Standings W L *SBU 16 1 *LPU 15 3 *CSJL 13 4 *UPHSD 11 6 CSB 9 8 MU 6 12 AU 5 12 SSC-R 5 12 EAC 4 14 JRU 3 15 *semifinali­st

KUNG may pagdududa sa lakas ng San Beda, panahon na para magpalit ng pananaw.

Pinatunaya­n ng Red Lions ang kahandaan na maidepensa ang korona nang pabagsakin ang karibal na Lyceum of the Philippine­s Pirates, 75-68, nitong Huwebes sa penultimat­e day ng NCAA Season 904 men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Mistulang pader ang depensa ng Lions na bigong matibag ni Lyceum star at last year MVP CJ Perez na nalimitaha­n lamang sa siyam na puntos, malayo sa kanyang league-best averaged na 19.2 puntos.

“It was our defense,” sambit ni San Beda coach Boyet Fernandez, patungkol sa panalo ng Lions na nagpatatag sa kanila sa No.1 seed sa Final Four.

Anuman ang kaganapan sa laro laban sa Perpetual (11-7) sa Martes sa pagtatapos ng doubleroun­d eliminatio­n, sigurado na ang San Beda (16-1) sa pagiging top seed sa semifinal match up.

Bagsak ang LPU sa No. 2 seeding, ngunit taglay din ng Pirates ang twice-to-beat advantage laban sa No. 3 Letran (13-4) sa Final Four.

Nadomina ng San Beda ang tempo ng laro at naisara ang halftime sa 39-31. Umarya ang bentahe sa 59-39 sa third period at hindi na nagawang makadikit ng Lyceum.

Iskor:

San Beda (75) – Bolick 18, Canlas 18, Tankoua 15, Mocon 13, Oftana 3, Presbitero 2, Soberano 2, Nelle 2, Carino 2, Doliguez 0, Abuda 0, Eugene 0, Tongco 0, Cuntapay 0

LPU (68) – Nzeusseu 16, Marcelino JC 14, Ayaay 11, Perez 9, Pretta 6, Marcelino JV 4, Caduyac 2, Tansingco 2, Santos 2, Valdez 2, Ibanez 0, Serrano 0, Lumbao 0

Quartersco­res: 18-13, 39-31, 59-46, 75-68

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines