St. Clare vs Enderun sa NAASCU Finals?
GINAPI ng defending champion St. Clare College at Enderun Colleges ang kanikanilang karibal upang makalapit sa minimithing final match up sa National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) Season 18 basketball tournament kamakalan sa RTU gym sa Mandaluyong.
Sumandig ang St. Clare sa matikas na opensa nina Mohamed Pare, Irven Palencia at Junjie Hallare para pabagsakin ang New Era University, 87-80, para patatagin ang kampanya sa ‘three-peat’.
Nanguna naman si Brandon Chauca sa Enduran para sa 10586 desisyon laban sa last year’s runner-up De Ocampo Memorial Colleges.
Kakailanganin ng Saints at Titans na magwagi sa Game 2 ng kani-kanilang best-of-three semifinal matches ganap na 8:00 ng umaga ngayon upang maisaayos ang championship duel.
Kumana si Pare ng 17 puntos at 16 rebounds, habang kumana si Palencia ng 16 puntos, anim na assists at tatlong rebounds at nagtambag si Hallare ng 11 puntos at 10 rebounds para sa Caloocan Citybased Saints na pinangangasiwaan ni NAASCU founding president Dr. Ernesto Jay Adalem at multititled coach Jino Manansala.
Nanguna si Brandon Chauca sa Enderun sa naiskor na 35 puntos. Iskor:
(Unang laro) Enderun (105) – Chauca 35, Gatdula 15, Nuñez 14, Mariano 14, Dungan 7, Goethals 5, Sacundo 4, Dela Cruz 4, Oebanda 3, Maagdenberg 2, Veloso 2
DOMC (86) – Sabasaje 27, Montojo 12, Manalang 11, Pascual 8, Atabay 8, Dela Cruz 5, Reyes 3, Schwartz 3, Ramos 2, Lescano 2, Gallardo 2, Artesano 2, Cañelas 1, Licardo 0
Quarterscores: 25-21, 53-43, 79-61, 105-86 (Ikalawang laro)
St. Clare (87) – Pare 17, Palencia 16, Hallare 11, Tecson 10, Rubio 8, Santos 8, Fontanilla 6, Peñaredondo 5, Catura 3, De Leon 3, Fuentes 0
New Era ( 80) – Comia 22, Marticio 13, Akindele 10, De Guzman 10, Reyes 10, Bringas 8, Castillo 4, Gabriel 3, Astoveza 0, Dela Cruz 0
Quarterscores: 19-16, 39-38, 69-60, 87-80