Balita

Vice at Marco, magnanay ang turingan

- Ni ADOR V. SALUTA

LINGID sa kaalaman ng lahat, isa si Marco Gumabao sa mga artistang naging kaclose ng It’s Showtime at Gandang Gabi Vice host na si Vice Ganda. Tanggap naman ni Marco na hindi talaga maiiwasang ma-link siya kay Vice dahil malapit talaga sila sa isa’t isa.

“Unang-una, hindi nyo maiiwasan talaga ‘yung ganyan. Basta ako, ang importante sa akin, alam ko ‘yung totoo. Si Vice, alam niya ‘yung totoo. ‘Yung mga kaibigan ko alam ‘yung totoo,” sabi ni Marco sa isang panayam.

Eh, ano ba talaga ang totoo?

“Na talagang parang nanay namin siya. Close kami, nanay-nanayan, and I’m sure ‘yung mga Hashtags din naaano, naiisyu ng ganyan. Pero ako naiintindi­han ko, kasi si Vice talaga mahilig talaga siyang makisama,” paliwanag ni Marco. “Eh, masaya siyang kasama, so ako naman bakit ko isa-sacrifice ‘yung samahan namin para sa mga iniisip ng ibang tao? Kung alam kong hindi naman totoo ‘yung sinasabi nila, bakit ko papansinin, ‘di ba?

“People can assume all they want pero hanggang walang ebidensiya, wala naman talagang… hindi n’yo malalaman, ‘di ba? Eh, kami nina Vice, talagang alam namin na ‘yung pagsasama namin is nanay-anak na turingan talaga,” mahabang paliwanag ng isa sa mga bida ng Los Bastardos, na napapanood tuwing hapon sa ABS-CBN.

Hindi rin daw naramdaman ni Marco na may pagnanasa sa kanya si Vice, o gusto siya nitong gawing boyfriend.

“Wala, eh,” sabi agad niya. “Tingin ng tao sa kanya, ano siya, na malandi pero hindi, eh. Mas ano pa nga siya, eh, siya pa nga ‘yung shy.

“Kapag lumalabas kami, for example, laging sasabihin niya, ‘Oh, ‘wag kayong mambababae ha, ako muna ‘yung hanapan n’yo’. Tapos kami, siyempre hahanapan namin siya,” natatawang kuwento ni Marco.

“So, siguro ‘yung iniisip ng tao na malandi siya, na mahilig siyang mag-ano. Siguro pangfront lang niya ‘yun kasi ‘yun ‘yung bumebenta sa mga tao. ‘Yun ‘yung nakakatawa, eh.

“Pero alam niya personal, kapag off cam, alam niyang hindi siya ganun and alam rin naming hindi siya ganun,” pagtatangg­ol pa ni Marco sa actor/TV host.

Eh, what if ma-attract sa kanya si Vice? “Siguro, ngayon kasi normal naman na sa mundo natin na nagkakagus­to tayo sa isa’t isa or you find someone attractive, pero hanggang dun lang. At least, naa-appreciate mo na that person finds you attractive, pero mas nirerespet­o ko pa siya, dahil wala siyang ginagawa.

“Kasi may mga tao na talagang lantaran, eh. Si Vice, hindi talaga siya ganun, not at all. Ako, never kong naranasan na naging ganun siya to me or to any of my friends.”

Kasama ni Marco sa Los Bastardos sina Diego Loyzaga, Jake Cuenca, Joshua Colet, at Albie Casiño.

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ?? Marco
Marco
 ??  ?? Vice
Vice

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines