Balita

Sanya, pagaagawan

- Ni NORA V. CALDERON

ANG suwerte naman ng Kapuso actress na si Sanya Lopez, dalawang hari ng Kapuso Network ang mag-aagawan sa kanya. At mukhang may suwerte talaga si Sanya sa mga aktor na nagsisimul­a sa letter ‘D’ ang names.

Katatapos din lang gawin ni Sanya ang Wild

and Free movie sa Regal Films, na first time silang nagtambal ni Derrick Monasterio. At ngayon, makakatamb­al naman ng aktres ang dalawang mahuhusay na Kapuso actor na parehong sa ‘D’ rin nagsisimul­a ang pangalan: ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes at ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.

Sina Dingdong at Dennis ang mga bidang makakasama ni Sanya sa forthcomin­g primetime drama series na Cain at Abel. Dapat na abangan kung paano mangyayari ang agawan ng dalawang aktor kay Sanya sa serye.

“Never ko po in-expect na makakatamb­al ko sila,” nakangitin­g sagot ni Sanya. “Noon po ay natutuwa akong panoorin sila dahil ang huhusay nilang umarte, mga idols ko sila. Ngayon, katambal ko na sila.

“I’m just very grateful po sa GMA sa pagbibigay nila ng malaking opportunit­y na ito. Wala akong maipa-promise kundi paghusayan ko ang pagganap ko para naman hindi ako mapahiya kina Dingdong at Dennis.

“Isa pa sa makakasama pa namin dito, ang multi-talented Kapuso actress na si Solenn

Heussaff. Nakasama ko na po siya sa Encantadia at nakita ko na ang husay niya sa pagganap,” sabi ni Sanya.

Nagsimula nang mag-taping ang Cain at Abel under Mark Reyes, pero hindi pa alam kung kailan sila magsisimul­ang mapanood.

 ??  ??
 ??  ?? Sanya
Sanya

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines