Balita

MMA star Mark Striegl, sinuspinde

MMA star Mark Striegl, lumabag sa drug-testing protocol ng GAB

- Ni EDWIN ROLLON MITRA:

KAPAG lumabag sa regulasyon, walang sasantuhin ang Games and Amusement Board (GAB).

Ito ang mapait na katotohana­n para sa mixed martial arts star fighter na si Mark Striegl matapos siyang patawan ng anim na buwang suspension ng profession­al sports regulatory agency ng bansa nitong Oktubre 15, 2018 bunsod ng pagtanggin­g sumailalim sa post-match drug testing, na ipinatutup­ad ng GAB.

Kinumpirma ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang desisyon ng three-man GAB Board na suspendihi­n ang 24-anyos na internatio­nal MMA campaigner.

“We also warned him that we will revoked his licensed if he repeats disregardi­ng the GAB rules,” pahayag ni Mitra.

“The decision is also a stern warning sa iba pang atleta, mapa-boxing, MMA, basketball at football na hindi kami nagpapabay­a sa GAB lalo na at nalalabag ang aming pamantayan at ipinatutup­ad na regulasyon,” ayon kay Mitra.

Iginiit ni Mitra na hindi blackliste­d si Striegl dahil nagawa naman nitong sumagot at magpaliwan­ag sa naging aksiyon niya matapos matanggap ang motu proprio complaint na may petsang Oktubre 2.

Sa report ng GAB Boxing and Other Contact Sports Division, gayundin ng Medical Section, nabigo si Striegl na sumailalim sa post-match drug testing matapos ang kanyang laban kontra sa Korean na si Do Geom Lee para sa URCC World Featherwei­ght championsh­ip nitong Setyembre 29, sa Smart-Araneta Coliseum.

“Under the rules and regulation governing profession­al mixed martial arts in the Philippine­s, drug-testing is mandatory after all internatio­nal and Philippine championsh­ip,” ayon sa pahayag ng GAB.

Ayon kay Mitra, hindi nagkukulan­g ang mga kinatawan ng GAB na ipaliwanag ito sa mga fighter at kinukuha ang kumpirmasy­on mismo ng mga fighters bago ang pagsabak sa laban.

“Malinaw ang ating regulasyon at mahigpit po tong ipinatutup­ad ng GAB,” pahayag ng dating Palawan governor at congressma­n.

Isa ang Filipino-American sa crowddrawe­r ng MMA promotion sa bansa, gayundin sa internatio­nal promotion na ONE Championsh­ip.

 ??  ?? STRIEGL: Banned nang anim na buwan
STRIEGL: Banned nang anim na buwan
 ??  ?? Wala kaming sasantuhin
Wala kaming sasantuhin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines