Balita

Mader Sitang, bet katrabaho si Vice

- Ni ROBERT REQUINTINA

THE Mader Sitang fever is on! Dumating na sa bansa si Mader Sitang ng Thailand, ang Asia’s top transgende­r supermodel/ lawyer, na tanyag sa kanyang signature hairflippi­ng dance moves, nitong Biyernes ng hapon, at plano umano niyang sa Pilipinas na magretiro, gumawa ng pelikula kasama ang komedyante­ng si Vice Ganda.

Daan-daang nagtitilia­ng fans ang sumalubong kay Mader Sitang sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport sa Parañaque, na lumapag sa bansa bandang 2:00 ng hapon ng Biyernes. Dumiretso siya sa H&H Makeover Salon sa SM City North EDSA sa Quezon City para sa kanyang press conference.

Nagpakitan­g-gilas naman si Mader Sitang, 56, sa kanyang fans nang gawin niya ang kanyang head-banging moves at skills habang naglalakad sa airport at sa hallway ng SM North EDSA. Mananatili siya sa Manila hanggang bukas, October 22.

Sa pamamagita­n ng interprete­r, inihayag ni Mader Sitang na ang dating Mr. Gay World finalist-businessma­n na si Wilbert Tolentino na ang kanyang manager.

“Mader Sitang will stay in the Philippine­s for a few days. In December, Mader Sitang will go to Europe for a series of shows and personal appearance­s,” sabi ni Wilbert, founder din ng Web Marketers Specialist Associatio­n of the Philippine­s, Inc. (WEMSAP).

Sinabi ni Wilbert na babalik si Mader Sitang sa Thailand para tapusin ang commitment nito, dahil kasalukuya­n itong gumagawa ng pelikula at teleserye roon.

Dagdag pa niya: “After that, Mader Sitang will come back to the Philippine­s. He wants to settle here for good. That’s why I will arrange his papers and other documents.” Naging tanyag si Mader Sitang sa pamamagita­n ng pag-a-upload ng mga dance video online. Isa sa kanyang mga dance videos ang napanood na ng 16 million beses sa YouTube. Mula noon, ay marami na ang gumagawa sa kanyang istilo. Maaari ring gumawa ng pelikula ang YouTube sensation kasama si Vice Ganda, na magiging salon endorser kalaunan, ayon kay Wilbert.

“Mader Sitang and Vice Ganda haven’t met. After Vice Ganda has signed up for H&H Makeover Salon, then we will proceed with the movie project,” sabi pa niya.

Gayundin, inilunsad ni Wilbert ang perfume collection – para sa kalalakiha­n at kababaihan, ang Simply Sitang.

Bago magsimula ang press conference sa salon, ay naghagis sina Wilbert at Mader Sitang ng P500 bills sa mga bisita.

Nang tanungin naman kung saan nakukuha ni Mader Sitang ang lakas para sa head-banging, sabi niya: “I have strong knees! I drink a lot of milk and I exercise! I am a vegetarian and I pray a lot!”

Inihayag din ni Mader Sitang, na 12 taon nang kasal ngayon, na idolo niya ang Hollywood stars na sina Brad Pitt at Julia Roberts.

 ??  ??
 ??  ?? Mader Sitang
Mader Sitang
 ??  ?? Vice
Vice

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines