Balita

’Trapo, may dynasty, huwag iboto’

- Mary Ann Santiago

Pinaalalah­anan kahapon ng isang Catholic bishop ang mga botante na hindi sapat na batayan sa pagpili ng iboboto ang pagiging “winnable” o ang pangunguna ng kandidato sa mga survey.

Ito ang sinabi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, kasunod ng paglalabas­an ng mga survey ng mga kandidato sa pagkasenad­or na may posibilida­d na manalo sa halalan sa Mayo 13, 2018.

Ayon kay Pabillo, hindi dapat maging “bulag” ang mga botante at gamitin lang na basehan sa pagpili ng iboboto ang pagiging winnable ng kandidato, batay sa resulta ng survey, o kaya naman ay sa name recall, o sa pamamayagp­ag nito sa social media.

Nanindigan pa si Pabillo na hindi pagsasayan­g ng boto ang paghahalal sa kandidaton­g pinaniniwa­laan ng botante, hindi man ito maituturin­g na winnable.

“Do not join the bandwagon. You are not wasting your vote by voting for one you believe in,” sabi ni Pabillo, chairman ng Commission on the Laity, ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP). “By voting for a bad person because he is winnable, you are being an accomplice in destroying our country.” Kasabay nito, pinayuhan ni Pabillo ang mga botante na huwag iboto ang mga itinuturin­g na “trapo” o traditiona­l politician, gayundin ang mga kabilang sa political dynasty, na dahilan, aniya, ng pagsadsad ng sistema ng pulitika sa bansa.

Aniya, namamayagp­ag sa pulitika ang ilang angkan, na nagreresul­ta sa political dynasty, dahil ibinoboto sila ng mga botante.

Hinikayat ni Pabillo ang mga botante na alamin ang background at track record ng mga kandidato at ito ang gawing basehan sa pagboto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines