Balita

Boracay party, bawal na sa beachfront

- Ni Ellalyn De Vera-Ruiz at Alexandria Dennise San Juan

Pinapayaga­n pa rin ang mag-party at iba pang beach activities sa Boracay Island, basta gagawin ito sa loob ng bahay o sa mga lugar na hindi saklaw ng beachfront.

Ito ang paglilinaw nina Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) Undersecre­tary Sherwin Rigor at Benny Antiporda kaugnay ng pagbubukas muli ng tanyag na isla sa Biyernes (Oktubre 26).

Paglilinaw ni Rigor, pinoprotek­tahan lang ng DENR ang baybayin at upang mapanatili ang kalidad ng buhangin, na tanging ipinagmama­laki ng Boracay.

Kabilang sa mga ipinagbaba­wal ang pagtatayo ng stage platform para sa mga nagsasaya, paglalagay ng mga mesa, upuan, massage bed, beach umbrella, souvenir shop at food stall.

Ipinagbaba­wal din ang pagkakabit ng mga pailaw at wirings sa beachfront vegetation area.

“These structures will be banned at all times within the 25+5 easement area, which is a ‘no-build zone’, and within the beach vegetation area,” sabi ni Rigor.

Ipatutupad, aniya, ito sa White Beach Stations 1, 2 at 3, gayundin sa Puka, IligIligan, at Bulabog beaches.

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Antiporda ang lumabas na infographi­c na may temang “New Boracay Dos and Don’ts” na viral ngayon online, at binanggit doon na ipinagbaba­wal ang pag-ihaw ng karne sa isla.

“This is not true. The task force does not prohibit such,” ani Antiporda, tinutukoy ang Boracay Inter-Agency Task Force na pinamumunu­an ni DENR Secretary Roy Cimatu. “Grilling is still allowed, but not in the beachfront.” Inihayag naman kahapon ni Department of Interior and Local Government (DILG) SecretaryE­duardoAñon­amaghihigp­itnasila ngayonsamg­aturistang­papasoksai­sla.

“Boracay is now very fresh and very orderly but of course there are still a lot of things to be done for the next two years,” ayon kay Año.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines