Balita

Shabu sa buy-busts, pareho sa lifters

- Alexandria Dennise San Juan

Nag-match ang ilegal na drogang nasamsam sa serye ng mga buy-bust sa Metro Manila at sa Maguindana­o sa samples ng shabu na naharang sa Manila Internatio­nal Container Port (MICP) noong Agosto, ayon sa hepe ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA).

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na batay sa resulta ng laboratory­o, ang samples mula sa bultu-bulto ng shabu na nasamsam kamakailan sa Quezon City, Maynila, Muntinlupa City, at Maguindana­o ay pareho ng P3.4-bilyon shabu na nakumpiska sa MICP.

Ang mga sinuring drug samples ay nagmula sa mga nasamsam sa mga entrapment operation ng PDEA sa Sitio Tenorio, Barangay Awang Dos sa Maguindana­o noong Hulyo 19; sa Congressio­nal Avenue, Bgy. Bahay Toro sa Quezon City noong Agosto 1; sa Ronquillo Street, Sta. Cruz, Maynila noong Agosto 26; at sa Alabang Town Center sa Muntinlupa nitong Oktubre 1.

“Itong mga seizure na ginawa namin, minatch namin, kinompare namin doon sa nakuha naming ilegal na droga sa MICP. And it turned out that they are similar and strongly correlated. In short, iisang source,” pagkumpirm­a ng PDEA Chief sa isang panayam.

Ayon sa PDEA, isinailali­m ang shabu samples sa “impurity drug profiling”, isang analytical technique na tumutukoy sa kaugnay ng mga samples ng nakumpiska­ng droga bilang ebidensiya.

Agosto 7 ngayong taon nang maharang ng PDEA, katuwang ang pulisya at Bureau of Customs (BoC) ang 154 na foil-wrapped sealed plastic pack na naglalaman ng mahigit 300 kilo ng shabu na itinago sa dalawang magnetic lifter sa MICP sa North Harbor, Manila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines