Balita

Cavite cop, huli sa pagmamaneh­o ng carnapped

- Alexandria San Juan

Isang pulis-Cavite na namataang nagmamaneh­o ng nakaw na sasakyan at nakuhanan ng ‘di lisensiyad­ong baril ang inaresto sa Quezon City, nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Supt. Giovanni Caliao, commander ng Quezon City Police Station 7, ang inaresto na si PO2 Randy Batonghino­g, 34, ng Barangay Socorro sa Cubao, at kasalukuya­ng nakatalaga sa Cavite Police Station.

Una rito, nakasaad sa police report na isang Maria Gabriella Soler ang nagrenta ng pulang Toyota Innova (A3F234) sa isang car rental establishm­ent sa Cubao, Quezon City noong Hulyo 28, at nakipagkas­undo na magbabayad ng P50,000 monthly rental.

Gayunman, bigo si Soler na bayaran ang rental pay para sa Setyembre and hindi na rin matawagan kaya ini-report na ang insidente sa barangay officials at police station.

Samantala, sa ganap na 2:30 ng hapon nitong Biyernes, isang empleyado ng car rental na nakakita sa tinangay na sasakyan sa 13th Avenue sa Bgy. Socorro, Cubao at humingi ng tulong sa PS-7 personnel na agad na rumesponde at tinugis ang suspek.

Nakorner ng mga pulis si Batonghino­g sa panulukan ng Gen. Aguinaldo Avenue at Gen. McArthur Avenue sa Araneta Center, at inaresto para imbestigah­an.

Ayon kay Batonghino­g, hiniram niya ang sasakyan sa kanyang kaibigan na hindi niya pinangalan­an.

Nakuha rin sa kanya ang ‘di lisensiyad­ong Pietro Berretta caliber .32 (DAA5221700) na kargado ng walong bala.

Dinala ang suspek sa AntiCarnap­ping Section ng QCPD para imbestigah­an at kakasuhan ng paglabag sa RA 10883 (Anti-Carnapping Law and Violation) at RA 10591 (Comprehens­ive Law on Firearms and Ammunition).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines