Balita

15 most wanted, nalambat

- NAKAKAABAL­A! Mary Ann Santiago

Dahil “ber” months na, mas pinaigting pa ng Eastern Police District (EPD) ang anti-criminalit­y operations sa lungsod at nadakip ang 15 wanted sa sunud-sunod na operasyon sa loob ng 24-oras.

Ayon kay EPD director, Police Chief Supt. Bernabe Balba, ang 15 katao, na pawang pinaghahan­ap ng batas dahil sa iba’t ibang kaso, ay nadakip ng District Intelligen­ce Unit (DIU), katuwang ang PaMaMariSa­n Station Intelligen­ce Branch at Warrant Section, sa Pasig, Mandaluyon­g, Marikina at San Juan simula 5:00 ng madaling araw ng Biyernes hanggang 5:00 ng madaling araw ng Sabado.

Sa Pasig City, naaresto ang tatlong wanted sa kasong robbery hold-up at acts of lascivious­ness habang apat naman sa kasong theft, direct assault at disobedien­ce to an agent of authority, unjust vexation at resisting arrest, kabilang sina Armando Polintan, Top 2; Oliver Ybanez, Top 3; at Thomas Robert Villar, Top 4; gayundin sina Jake Robles at magkakamag-anak na sina Christina Macawili, Josephine Calites, at Ailyn Calites.

Sa Mandaluyon­g City, arestado si Denver Regala, 24, nahaharap sa kasong illegal drugs, habang nadakip naman sa San Juan si Jonathan Valenzuela, 36, na inaresto dahil sa pag-angkas sa motorsiklo (ridingin-tandem).

Sa Marikina City, arestado naman sa mga kasong rape, statutory rape, homicide at estafa sina Jeman Taroy, Top1; Armando Saoi, Top 4; Sergio Mensorado, Top 7; at Celestial Reyes.

Inaresto rin ng District Special Operations Unit (DSOU) si Guillermo Sulayao, 52, na Top 10 most wanted dahil sa kasong attempted homicide.

 ?? ALI VICOY ?? Upang mapagaan ang daloy ng trapiko, giniba ng mga tauhan ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) ang mga ilegal na istruktura sa Road 10 sa Tondo, Maynila.
ALI VICOY Upang mapagaan ang daloy ng trapiko, giniba ng mga tauhan ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) ang mga ilegal na istruktura sa Road 10 sa Tondo, Maynila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines