Balita

8 ‘tulak’ dinakma sa hiwalay na buy-bust

- Orly L. Barcala

Arestado ang walong katao na umano’y mga tulak ng ilegal na droga sa magkasunod na buy-bust operation sa Valenzuela City.

Sa report na isinumite kay Northern Police District (NPD) director, Police Chief Supt. Gregorio N. Lim, kinilala ang mga nadakip na sina Aurefel Agra, 21; Paulo Moya, 18; Erwin Rimante, 23; Romeo Moya, 43; Angelo Valdez, 22; Alwin Caagbay, 28; Timbar Addana, 23; at Noren Santiago, 41.

Ayon kay Lim, unang ikinasa ng NPD-District-Drug Enforcemen­t Unit, sa koordinasy­on ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA), ang operasyon sa No. 563 Guava Street Extension, Barangay Gen. T. De Leon, Valenzuela City, bandang 3:00 ng hapon.

Nagsilbing poseur-buyer si PO2 Edmar Jose Cui at bumili ng P500 halaga ng shabu kay Agra.

Matapos iabot ang ilegal na droga, pinosasan ang suspek gayundin sina Moya, Caagbay, Valdez, at Rimante.

Nakuha sa mga suspek ang anim na gramo ng umano’y shabu, na nagkakahal­aga ng P40,000.

Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Sec. 12 at Sec. 15 ng Article 11 ng RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Sumunod na ikinasa ang operasyon sa Block 2 Lot 3, Villa Sta. Catalina St., Bgy. Gen. T. Deleon, Valenzuela City, bandang 3:45 ng hapon noong araw ding iyon.

Nagpanggap namang buyer ng droga si PO2 Kenneth Geronimo at bumili ng P2,000 halaga ng shabu kina Addana at Santiago.

Agad na dinamba ang mga suspek nang iabot ng mga ito ang ilegal na droga sa pulis.

Nasamsam sa operasyon ang 16 na gramo ng shabu, na nagkakahal­aga ng P108,000.

Kinasuhan sina Addana at Santiago ng paglabag sa Sec 5 in Relation to Sec. 26 and Sec. 11 ng RA 9165.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines