Balita

Malapit nang magsimula ang panahon ng ‘amihan’

-

ANG hanging nagmumula sa timog silangan—ang habagat—na nagdala ng mga pagbaha sa nakalipas na mga buwan ay napalitan na ngayon ng hanging nagmumula sa Karagatang Pasipiko sa silangan. Malapit na, ilang linggo na lamang, ang silangang hangin ay magbibigay daan para sa pagpasok ng hilagang silangang hangin—ang “amihan”.

Sa gitna ng sandamakma­k na balita na sinasakop ng mataas ng presyo at ang pagsisikap ng pamahalaan na matugunan ito, malugod nating tinatangga­p ang anunsiyong ito ng Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l, and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA) ngayong linggo. Dahil ito ay senyales ng nalalapit pagpasok ng malamig na panahon ng Nobyembre at Disyembre—kasabay ng mga pagdiriwan­g nakaugnay sa magandang panahon.

Naging mabagyong taon ito para sa ating bansa, sa serye ng mga bagyong sunud-sunod na dumaan mula sa Pasipiko. Karamihan sa mga ito ang lumihis patungong hilaga na tumama sa Japan, Korea at China, ngunit ang kanilang presensiya sa bahagi ng hilagang silangang Luzon ang nagpalakas ng habagat mula sa timog kanluran na nagbuhos ng maraming pagulan at nagdulot ng mga pagbaha sa maraming bahagi ng bansa. Isa ang bagyong “Ompong” na direktang tumama sa bahagi ng Hilagang Luzon, na kumitil ng mahigit 81 at sumira sa bilyong pisong halaga ng mga pananim.

Kasabay nito, sa maraming bahagi ng mundo, matinding sama ng panahon din ang nanalasa sa kalupaan—ang mahabang heat waves, mga pagbaha at landslide, buhawi at mga bagyo. Isinisi ng mga siyentista sa mundo ang tumataas ng pandaigdig­ang temperatur­a sa tumataas na polusyon mula sa mga industriya.

Ngunit magpapatul­oy ang pagpapalit ng panahon sa ating bansa. Matapos ang matinding init nitong tag-araw, dumating ang panahon ng tag-ulan. At ngayon, inanunsiyo ng PAGASA na malapit ng umihip ang amihang nagmumula sa mas malamig na rehiyon sa malayong bahagi ng hilaga.

Kalimitang nagsisimul­a ang hanging ito sa huling bahagi ng Oktubre, na nagdadala ng malamig na panahon na higit na nararamdam­an tuwing Enero at Pebrero. Ito rin ang panahon ng Pasko na gustung-gusto ng mga Pilipino, na nag-aabang sa Simbang Gabi at sa sayang kaugnay ng holiday season.

Para sa pag-asang hatid ng panahong ito, malugod nating kinikilala ang anunsiyo ng PAGASA para sa nalalapit na pagpasok ng amihan. At kasama nito ang ating pag-asa na ang nararanasa­n nating maraming problema sa mataas na presyo ng mga bilihin, ang kakulangan sa mga pangunahin­g produktong tulad ng bigas, ang walang katapusan trapik, at marami pang iba—ay tuluyan nang matatapos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines