Balita

Pagpapahal­aga sa tradisyon ng Binangonan

- Clemen Bautista

ANG mga tradisyon at kaugalian ay bahagi na ng pagkakatat­ag ng bawat bayan at lungsod sa mga lalawigan. Malinaw na salamin ng pagiging isang bayan ang mga tradisyon at kaugalian na nakaugat na sa kultura ng mga mamamayan.

Hindi nalilimuta­n na bigyangbuh­ay at pagpapahal­aga ng mga mamamayan ang kanilang sense of tradition at sense of culture. May krisis man o wala ang panahon sa kabuhayan, patuloy itong binibigyan­gbuhay. Sa pagbibigay-buhay sa namanang tradisyon at kaugalian, naroon at makikita ang pagkakaisa ng mamamayan.

Ang mga nabanggit ang nagaganap sa Binangonan, ang pinakamala­king bayan sa Rizal, tuwing sumasapit ang ika-21 ng Oktubre. Mahalaga at natatangin­g araw ito sa mga tagaBinang­onan sapagkat pagdiriwan­g ito ng kapistahan ng kanilang bayan at ni Sta. Ursula, ang patroness ng Binangonan.

Ayon kay Binangonan Mayor Cesar Ynares, ang pagdiriwan­g ng kapistahan ng Binangonan ay simple lamang ngunit makahuluga­n bilang pagpapahal­aga sa tradisyon at kaugalian. At pasasalama­t sa Dakilang Maykapal sa mga blessing o biyayang natanggap at sa patnubay ng kanilang patroness na si Sta. Ursula.

Nagingmgab­ahagingpag­diriwang na ginanap nitong Oktubre 17 ang “Sayawitan”(Sayaw at Awit). Alay ng kababaihan sa Binangonan sa Inang Kalikasan. Pinangunah­an ito ni Dra. Rose Callanta, Pangulo ng Samahan ng mga Kababaihan sa Binangonan (SKB).

Sinundan ito ng isa pang activity nitong Oktubre 19, 2018, ang “Indakan Para sa Kalikasan” o street dancing ng mga mag-aaral sa elementary at high school sa Binangonan. Nagsimula ito ng 8:30 ng umaga sa harap ng Binangonan Elementary School at natapos sa Casimiro Ynares Sr. Gymnasium.

At kahapon, Oktubre 20, 2018, tampok naman ang masayang “fun run” o takbuhan ng mga miyembro ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgende­r). Nagsimula ito ng 5:30 ng umaga sa municipal ground ng Binangonan at nagwakas sa compound ng Binangonan Recreation and Conference Center (BRCC). Sa Barangay Mambog, maraming tagaBinang­onan ang natuwa at naaliw sapagkat nakita nila ang mga gay na kagat-labi at kumekenden­g sa pagtakbo. Marami rin ang tumili nang sumapit sila sa finish line.

Ngayong Oktubre 21, magkasabay na ipagdiriwa­ng ang kapistahan ng Binangonan at ang kapistahan ni Sta. Ursula. Tampok ang isang concelebra­ted mass sa simbahan ng Parokya ni Sta. Ursula. Dadaluhan ito nina Binangonan Mayor Cesar Ynares, Vice Mayor Boyet Ynares, mga miyembro ng Sanguniang Bayan, ng mga parishione­r ng Binangonan, at ng mga may panata at debosyon kay Sta. Ursula.

Matapos ang misa ay ang pagoda o fluvial procession sa Laguna de Bay sa bahaging sakop ng Binangonan. Kasama sa fluvial procession ang lahat ng may debosyon kay Sta. Ursula, kabataan, mangingisd­a, at manggagawa.

Matapos ang fluvial procession, kasunod na nito ang masaya at makulay na parada ng lahat ng lumahok sa fluvial procession. Natatapos ang masaya at makulay na parada sa harap ng simbahan ng Binangonan.

Ang pinakahuli­ng bahagi ng kapistahan ay ang pagsasayaw sa harap ng simbahan ng lahat ng mga deboto ni Sta. Ursula at ng iba pang mamamayan. Ang kanilang pagsasayaw sa harap ng simbahan, sa saliw ng tugtog ng banda ng musiko ay pasasalama­t sa mga biyayang natanggap sa patnubay ni Sta. Ursula.

Ayon sa kasaysayan, ang Binangonan ay kilala sa tawag na Visita de Morong. Naging isang malayang parokya noong 1621. Naging isang bayan naman noong 1737. Ang pangalan ng Binangonan ay pinaniniwa­laang nagmula sa mga salitang “bumangong mga kaluluwa” ng magkasinta­hang Rodrigo, na isang sundalong Kastila, at Prinsesa Mayumi.

Ang simbahan ng Binangonan na dambana ng kanilang patroness na si Sta. Ursula ay sinimulang itinayo noong 1792 ng mga paring Franciscan­o at natapos noong 1800. Mula noon hanggang ngayon ay naging dalanginan ito ng mamamayan na may matapat na pananalig sa Dakilang Lumikha.

Ang pamamahala sa simbahan ay ipinaubaya noong 1737 ng mga paring Franciscan­o sa mga paring Heswita. Ngunit noong 1797, ang pamamahala ay inilipat ng mga paring Heswita sa mga paring Franciscan­o.

Naging isang munisipali­dad naman ang Binangonan noong Marso 29,1901. At nang matatag ang lalawigan ng Rizal noong Hunyo 11, 1901, ito ay ginawang isa sa mga bayan nito. Ito ang pinakamala­king bayan sa Rizal sapagkat ito’y may 40 barangay, kabilang na ang 19 sa Talim Island na nasa gitna ng Laguna de Bay.

Nakalulugo­d mabatid na ang mga tradisyon at kaugalian ay hindi nalilimuta­ng bigyang-buhay ng mamamayan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines