Balita

Satisfacti­on rating ni Leni, umangat

-

TUMAAS ang satisfacti­on rating ni Vice President Leni Robredo at nanatiling “good” sa ikatlong quarter survey ng Social Weather Stations (SWS). Sa survey na ginawa noong Setyembre 1523, lumitaw na 57% ang satisfied o nasisiyaha­n samantalan­g 23% ang dissatisfi­ed kung kaya ang net satisfacti­on score niya ay +34. Bahagya itong umangat ng

dalawang puntos mula sa 32 noong Hunyo 2018.

Ang net satisfacti­on rating ni VP Leni ay nanatiling good sa balance Luzon mula sa +33 noong Hunyo at naging +35 nitong Setyembre. Nanatili itong moderate sa Metro Manila, umangat ng siyam na puntos mula sa +14 noong Hunyo at naging +23 nitong Setyembre.

Kung susuriing mabuti, papaano ganap at tunay na malalaman ang performanc­e o trabaho ni beautiful Leni ay wala naman siyang puwesto sa gobyerno ni President Rodrigo Roa Duterte. Ang tanging puwesto niya ay ang pagiging bise presidente na naghihinta­y lang na maging bakante ang trono ng Malacañang.

Hindi siya miyembro ng gabinete ni PRRD. Minsan ay hinawakan niya ang pagiging puno ng pabahay ng pamahalaan pero hindi nagtagal ay inalis din

siya sapagkat hindi kursunada ng Pangulo ang paghahayag niya ng opinyon na salungat kay Mano Digong, tulad ng isyu sa paghihimla­y kay ex-Pres. Ferdinand Marcos sa Libingan ng Mga Bayani, pag-angkin ng China sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea, at iba pa.

oOo Supalpal daw sa mukha ng mga kritiko ni PRRD ang reelection o muling pagkakahal­al ng Pilipinas sa United Nations Human Rights Council (UNHRC). Ito ang paniniwala ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuert­e.

Ayon sa kanya, ang reelection ng PH sa UNHRC seat ay maituturin­g na vote of confidence sa anti-drug war ng Presidente.

oOo

Isang militanten­g kongresist­a ang nagsabing “misleading” daw ang inihayag na suspensiyo­n ng

Malacañang sa implementa­syon ng buwis o excise tax sa susunod na taon. Ang dapat daw suspendihi­n, ayon kay Anak-Pawis Party-list Rep. Ariel Casilao, ay hindi ang pagtaas ng P4.50 kada litro ng diesel at P9 litro ng gasolina sa 2019, kundi ang excise tax na ipinatutup­ad ngayon sa ilalim ng Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion (TRAIN) law na ipinaiiral sapul noong Enero 2018.

Masyado raw ang pahirap na dinaranas ngayon ng mga mamamayan dahil sa unang yugto ng TRAIN law na nagpataw ng buwis sa langis, ay naging mataas ang presyo ng mga bilihin.

Sa ngayon, may pataw na P2.50 excise tax ang bawat litro ng diesel at P7 bawat litro ng gasolina. Ang inihayag na suspensiyo­n ay ang pagtataas sa fuel tax sa 2019, na P4.50 sa diesel at P9 sa gasolina. Samakatuwi­d, tuloy ang

pananagasa ng TRAIN, at ang ipinatitig­il lang ay ang ikalawang yugto ng pagtataas ng excise tax sa 2019 pa.

oOo

Tuloy ang bakbakan sa pulitika sa 2019 mid-term elections. Sa Maynila, tatlo ang maglalaban­laban para makuha ang trono ng siyudad: Dalawang damatan, este beterano (Mayor Joseph Estrada at ex-Mayor Alfredo Lim); at isang artista, si Isko Moreno.

Sa Makati City, magkapatid ang mag-aagawan sa city hall ng lungsod. Sila ay sina Mayor Abby Binay at ex-Mayor Junjun Binay.

Samantala, sinasamant­ala raw ng mga pulitiko ang party-list system sa bansa. Marami umanong mayayamang tao ang gumagamit sa sistemang ito upang maluklok sa puwesto, hindi upang katawanin ang sektor na nasa “laylayan ng lipunan.”

 ?? Bert de Guzman ??
Bert de Guzman

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines