Balita

Serbisyo, hindi bulag na pagsunod

-

MGA Kapanalig, hinirang ni Pangulong Duterte bilang bagong kalihim ng Department ng Social Welfare and Developmen­t (DSWD) si Army Chief Lieutenant General Rolando Bautista. Siya ang magiging opisyal na kapalit ni dating DSWD Secretary Judy Taguiwalo, na hindi kinumpirma ng Commission on Appointmen­ts noong nakaraang taon.

At gaya ng inaasahan, marami ang nagtanong: Angkop ba ang kasanayan

at kakayahan ng isang dating heneral upang pamunuan ang isang ahensiyang ang mandato ay tiyakin ang kapakanan (o welfare) at ang kaunlaran (o developmen­t) ng mga Pilipino, lalo na ng mahihirap? Akma ba ang kanyang background upang pangasiwaa­n ang mga programang katulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at mga serbisyo para sa mga kababayan nating biktima ng pang-aabuso at diskrimina­syon? Hindi kaya dapat ang hinirang ng Pangulo ay isang social worker na nagsanay upang malaman ang angkop na serbisyo para sa mga nangangail­angan?

Isa lamang si General Bautista sa maraming itinalaga ni Pangulong Duterte sa kanyang gabinete na ang track record ay pangasiwaa­n ang seguridad at panatilihi­n ang kaayusan ng ating bansa. Nariyan ang sinibak na administra­tor ng National Food Authority o NFA na si retired Army Major Jason Aquino. Sa Department of Environmen­t and Natural Resources o

DENR, kasalukuya­ng kalihim si retired general Roy Cimatu. Acting secretary naman ng Department of Interior and Local Government o DILG ang dating AFP chief na si Eduardo Año. Pinuno naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC si retired Brigadier General Ricardo Jalad. Sa Housing and Urban Developmen­t Coordinati­ng Council naman, chairman si retired General Eduardo del Rosario.

Sa rami ng mga dating heneral at sundalo sa administra­syong Duterte, marami ang nagsasabin­g kapansinpa­nsin ang militarisa­syon sa pamahalaan. Para kay dating DSWD Secretary Taguiwalo, bilang isang ahensiyang nagtataguy­od sa dignidad at karapatan ng mga Pilipino, ang DSWD ay dapat na bukás sa pakikilaho­k ng mamamayan sa mga programa nito.

Mahirap asahan ang partisipas­yong ito kung ang namumuno sa DSWD ay nasanay sa estilo ng pamamahala kung saan ang utos sa itaas ay dapat

sinusunod ng mga nasa ibaba. Nabahala rin dito maging ang UP College of Social Work and Community Developmen­t lalo pa’t hindi naman kulang ng mga kuwalipika­dong propesyona­l na kayang pamunuan ang ahensiya.

May ilang grupong konektado sa Simbahan, katulad ng NASSA–Caritas Pilipinas at mga samahan ng evangelica­l groups katulad ng Philippine Council of Evangelica­l Churches at National Council of Churches in the Philippine­s, na nagsabing maaaring makompromi­so ng pagkakatal­aga kay General Bautista ang pagbibigay ng mga serbisyo ng DSWD sa mga conflict areas, lalo pa’t may mga naiuulat na mga kaso ng paglabag ng militar sa karapatang pantao sa kanayunan at sa Mindanao na nasa ilalim ng martial law.

May katwiran ang mga naaalarma sa hinirang na bagong kalihim ng DSWD. Mahirap ihiwalay sa mga taong dating naglingkod bilang kasapi at pinuno ng ating Sandatahan­g Lakas ang paggamit ng puwersa para lamang

mapanatili ang kapayapaan sa bansa. Gaya ng nasabi natin kanina, nasanay sila sa pamumunong walang dapat pumupuna, at sa pagsunod na walang dapat kinukuwest­yon. At dahil dito, hindi maiiwasang ituring sila bilang mga taong kumikiling sa karahasan.

At para sa atin sa Simbahan, hindi kailanman magiging tugma ang karahasan sa pagsusulon­g ng kapakanan at tunay na paglago ng mga tao. Hindi mapapangal­agaan ng mga nasa pamahalaan ang dignidad ng tao kung naniniwala silang sila lamang ang dapat na nasusunod. Hindi mabibigyan ng tinig ang mga nasa laylayan ng lipunan kung ang ating mga lider ay nahubog sa uri ng pagsunod na nakikinig lamang sa mga nakatataas sa kanila?

Mga Kapanalig, kasabay ng pagdadasal nating maliwanaga­n nawa ang mga namumuno sa ating pamahalaan, patuloy tayong maging mapagbanta­y at mapanuri sa bawat kilos nila.

Sumainyo ang katotohana­n.

 ?? Fr. Anton Pascual ?? CARITAS
Fr. Anton Pascual CARITAS

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines