Balita

Yam Laranas, Pinoy master of horror

- Ni REMY UMEREZ Direk Yam

MULA sa mayamang imahinasyo­n ng writer/director na si Yam Laranas ay nabuo ang All Souls Night, na pinagbibid­ahan ni Andi Eigenmann.

“It is more than a horror film. It is a psychologi­cal thriller na mapapasiga­w ang mga manonood mula sa kanilang kinauupuan. I love to frighten people. At may mga manonood na enjoy kapag tinatakot,” sabi ni Direk Yam.

Sa All Souls Night, namasukan si Shirley (Andi) bilang kasambahay, at maraming ipinagbaba­wal ang kanyang amo. Katabi niyang lagi sa pagtulog ang anak na babae ng kanyang amo, na nagbunyag sa kanya ng mga nangyayari sa bahay tuwing gabi.

Ang anumang hiwagang bumabalot sa mag-asawang amo ni Shirley will jolt the moviegoers from their seats.

Showing na ang All Souls Night sa susunod na Miyerkules, bisperas ng Undas, in cinemas nationwide.

Taong 2012 nang gawin ni Direk Yam ang The Road, ang unang Filipino film na ini-release commercial­ly sa America. Taong 2015 naman nang ilabas ng direktor ang psycho thriller na Abominatio­n, na naging hit sa North America.

Ang All Souls Night ay co-production between Viva Films at ni Direk Yam. Personal choice ng direktor si Andi para sa movie, dahil ayon kay Direk Yam, magaan katrabaho at totally committed sa trabaho ang aktres.

Isa pang horror masterpiec­e ang entry ni Direk Yam sa 2018 Metro Manila Film Festival, ang Aurora, na pinagbibid­ahan naman ni Anne Curtis.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines