Balita

Aaron Carter, back on track na

- Ni REGINA MAE PARUNGAO

MATAPOS ang mga pinagdaana­ng pagsubok, handa na umanong magbagong buhay ang ‘90s pop sensation na si Aaron Carter.

Una nang inamin ni Aaron na naging roller coaster ride ang kanyang buhay nitong mga nakalipas na taon.

Mula sa kanyang early 2000s pre-teens pop reign, nakaranas na si Aaron ng ilang personal na trahedya. Nakipaghiw­alay ang 30 taong gulang na singer sa kanyang photograph­er girlfriend, ilang buwan makaraang pumanaw ng kanyang ama dahil sa atake sa puso. Pagkaraan ay inaresto naman siya dahil sa umano’y DUI, pumasok sa rehab, binatikos at na-bully online dahil sa kanyang hitsura at postura, at isinapubli­ko ang pakikipag-away sa kanyang kapatid, ang dating Backstreet

Boys member na si Nick Carter, sa harap ng publiko.

Naging laman ng balita si Aaron dahil dito. Ngunit ngayon, handa na siyang magsimulan­g muli.

Sa isang ekslusibon­g panayam sa Bulletin

Entertainm­ent, inihayag ni Aaron na wala siya umanong ideya kung ano ang maaaring sumalubong sa kanya sa hinaharap, ngunit sisiguruhi­n niyang gagawin niyang kapakipaki­nabang at masaya ang bawat araw na kanyang haharapin.

“It’s hard to say really because every day things change. I’m trying to focus on my relationsh­ip, working on getting my first house, things like that,” pagbabahag­i niya.

Ang bahagi ng pagbabagon­g sinasabi niya ay ang pag-amin niya bilang isang bisexual. Noong August, ibinahagi ni Aaron na “(he) started to find boys and girls attractive” as a youth, at nagkaroon ng “experience with a male”, “(whom he) worked with and grew up with.”

Sa kabila ng kanyang sexual preference, ang mahalaga ay pinananati­li niyang malusog ang pangangata­wan at malayo sa gulo. At malaki ang naitutulon­g ng pagtutuon niya ng pansin sa musika.

Samantala, pinasalama­tan din ni Aaron ang kanyang fans na walang sawang sumuporta sa kanya.

“I want to keep working and doing my own thing. I want to focus on my own creative process and my own vision. I want to be able to do my own thing and make my own style of music.”

May tour naman si Aaron bilang bahagi ng kanyang album promotion. At isa sa mga bansang pupuntahan niya ang Pilipinas.

Siya ay 14 taong gulang pa lang nang una siyang bumisita sa bansa para mag-concert. Makalipas ang 16 years, ano ang inaasahan niya sa kanyang Filipino fans?

“It’s been a while and all I can say is that I miss my fans in the Philippine­s and, please, I am looking forward to seeing them in the show. It’s been a long time and it has also taken me a long time to get back on track and now it’s amazing,” aniya.

Presented by KBeam Events, ang Aaron Carter LØVË Tour Live in Manila ay gaganapin na sa Nobyembre 18 sa KIA Theater sa Araneta Center, Quezon City.

 ??  ?? Aaron
Aaron

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines