Balita

Ariana, subsob sa trabaho

-

BALIK-trabaho na si Ariana Grande matapos niyang putulin ang engagement kay Pete Davidson.

“She’s staying strong and focusing on work right now, but her friends and family are definitely worried about her,” lahad ng source sa People tungkol sa singer, ilang araw makaraang kumpirmahi­n niya ang breakup nitong Linggo.

Ayon sa People, bumalik na sa pagtatraba­ho si Ariana, 25, nitong Martes, nang magtanghal siya sa The Wizard and I sa final taping ng Wicked’s 15th-anniversar­y special, na ieere sa NBC ngayong buwan.

Dumalo si Ariana sa event, na siya ring una niyang pagpapakit­a sa publiko simula nang makipaghiw­alay, nang hindi suot ang kanyang three-carat, $93,000 engagement ring at tinakpan din niya ang kanyang “Pete” finger tattoo.

Tinapos ng pareha ang kanilang engagement matapos ang halos limang buwan simula nang mag-propose ang 24-anyos na Saturday Night Live star noong June, ilang linggo lamang mula nang magsimula silang mag-date at magkaroon ng relasyon, kasunod ng pakikipagh­iwalay ni Ariana sa rapper na si Mac Miller.

Setyembre naman nang namatay si Mac dahil sa umano’y drug overdose. Siya ay 26 taong gulang.

“Ariana’s been through a lot and emotionall­y things have been so up and down for her this year,” lahad ng source, at sinabing ang pagbibigay­tuldok sa kanilang engagement “(has) been really hard for both of them.”

Kahit fresh pa ang break-up, hindi naman nila inaalis ang posibilida­d ng kanilang pagbabalik­an.

“They’re very unpredicta­ble,” sabi ng source. “It’s over for now but in a few days it wouldn’t be shocking to see them all over each other again.”

Nitong Miyerkules, ibinunyag ni Ariana ang plano niyang Internet hiatus kasunod ng kanyang newly single status. “It’s very sad and we’re all tryin very hard to keep going. love u. and thank u for bein here always,” sabi niya sa nabura niyang Instagram Story. Samantala, may panahon naman si Pete na malayo sa trabaho dahil ang SNL ay nakatakdan­g umere ulit sa November 3. Nakatakdan­g magtanghal ang comedian sa Temple University sa Pennsylvan­ia nitong Miyerkyles, ngunit kinansela niya ito at the last minute; si Adam DeVine ang pumalit sa kanya. “Unfortunat­ely, Pete Davidson will no longer be able to do our homecoming show due to personal reasons,” inihayag ng pamunuan ng paaralan. Mula nang kumalat ang balita ng kanilang hiwalayan, unang namataan si Pete sa New York nitong Miyerkules, at nakuhanan ng litrato na dumating sa bahay ng kanyang inang si Amy.

 ??  ?? Ariana
Ariana

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines