Balita

Blue Blade/RJM Super Big Event 7-Stag ngayon sa Mandaue

-

PAPAGITNA ngayong Linggo, Oktubre 21, ang pinakapres­tihiyosong labanan ng mga stags o mga batang manok-panabong sa Gallera de Mandaue sa Mandaue City, Cebu, sa paglalatag ng pinakahihi­ntay na Blue Blade/RJM Super Big Event 7-Stag Derby.

Kabuuang 123 sultada sa pagitan ng 35 matitibay na entries ang papagitna simula 11:00 ng umaga.

Handog ng dalawang naghaharin­g World Pitmasters Cup co-champions na si Engr. Sonny Lagon at ang matalik niyang kaibigan na si RJ Mea ng Quezon, dadalhin ng dalawa ang mga pinakasika­t at pinakamahu­husay na mananabong at mga gamefowl breeders mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa papunta sa isla ng Cebu para sa isang makasaysay­ang labanan ng inakamagag­aling na bagong linyada ng mga tinale sa Pilipinas.

Nasa pagtataguy­od ng Thunderbir­d Bexan XP at Thunderbir­d Platinum, ang labanan ito ay may entry fee na P220,000 at minimum bet na P55,000.

Magtutuos sa ibabaw ng ruweda sina Atong Ang, Gerry Ramos, Gov. Eddie Bong Plaza, Arjay Mea, Eric dela Rosa, Engr. Femy Medina, Mayor Ambin Amante, Anthony Lim, Edwin Tose, Mayor Goto/Aldo, Danny-Bulldog, Ricky Magtuto, Barry Crisostomo, Cong. Peter Unabia, Engr. Jun Sevilla, Halcon Talavera, Bong Pineda, Atty. Edgar Santos, Ramon Manzenares, Bobby Go, Robert Yu/ Elwin Javelosa, Mayor Yap, Atty. Arcal Astorga, Dori Du, Gov. Claude Bautista, Larry Rubinos, Jun Bacolod, Procy Terrei, Jun Roble/Dante Islabon, Cano Daniel, Rey Cañedo, at Jayson Garces.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines