Balita

Miranda at Villanueva, wagi sa Congressio­nal Meet

-

MALAKAS na sinimulan ni Alfred Miranda Jr. ang kanyang kampanya para maiuwi ang korona sa elementary boys category, habang tinalo naman ni Denzel Villanueva ang lahat niyang nakatungga­li para maibulsa ang titulo sa elementary girls division sa katatapos na Congressio­nal Meet 2018, elementary boys' at girls chess championsh­ips.

Naganap ang chess matches nitong Oktubre17-19,2018saPani­quiSouthCe­ntral Elementary School sa Paniqui, Tarlac.

Ang 12-years-old na si Miranda mula sa Barangay Estacion, Paniqui, Tarlac na Grade six pupil ng Ysidra Cojuangco Elementary School, ang nagtala ng malaking panalo kontra kay Jabes Menor, ng Ramos, Tarlac, sa seventh at final round para tumapos ng 6.5 puntos, angat ng isang puntos kay second placer Menard Dancel (5.5 puntos) ng Mayantoc, Tarlac; at lamang ng 1.5 puntos sa third placer na si Adan Simon Shane (5 puntos) ng Moncada, Tarlac.

Habang namayani naman si Villanueva, 12, Grade six student ng Balaoang Elementary School sa Paniqui, kontra kay Maraya Gaogen, ng Pura, sa final canto para makapagtal­a ng perfect na pitong puntos.

Ayon kay Ms. Elizabeth Ramirez, coach ni Alfred Jr., ang nagkampeon sa elementary boys category na sina Mr. Pedrito Marquez at Mr. Michael Ramos ang nagsilbing tournament arbiters sa three-day chess tournament na nilahukan ng mga mag-aaral na nagmula pa sa mga bayan ng Mayantoc, Moncada, Camiling, Anao, Ramos, Sta. Ignacia, Pura, San Manuel, at ng host town na Paniqui, Tarlac.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines