Balita

Alkhaldi, may nais pang patunayan

- KABUUANG Ni BRIAN YALUNG ALKHALDI:

SA bawat sabak ng Team Philippine­s sa multi-event internatio­nal competitio­n, kabilang ang swimmer na si Jasmine Alkhaldi sa delegasyon ng bansa.

Hindi man naging matagumpay sa naging kampanya sa Asian Games at Olympics, malaki ang naging kontribusy­on ng 25-anyos sa tagumpay ng bansa sa abroad, kabilang na ang Southeast Asian Games.

Sa kabila ng mahabang panahong ginugul sa pagsasanay at kompetisyo­n, hindi pa rin nawawala sa isipan at damdamin ni Alkhaldi ang determinas­yon na makapagbig­ay ng karangalan sa bayan.

Inamin ni Alkhaldi, nagtapos ng Business Marketing at Business Management sa University of Hawaii, maraming oportunida­d siyang tinalikura­n dahil sa hindi nawawalang paghahanga­d na maglingkod sa bayan.

“I felt it in my heart that my time swimming for the Philippine­s is not over just yet... I just felt like I still have more to give. I still have the fire and the passion, so I’ll keep going,” pahayag ni Alkhaldi sa ekslusibon­g panayam ng Manila Bulletin Sports Online/Balita.

At bilang paghahanda sa sandaling kailangan ang kanyang presensiya, nakalinya kay Alkhaldi ang mga lalahukang kompetisyo­n para maihanda ang sarili sa pagsabak sa 2019 SEA Games na gaganapin sa bansa.

Sasabak siya sa FINA World Cup sa Singapore sa Nobyembre, gayundin sa World Swimming Championsh­ips sa Hangzhou, China sa Disyembre. Nais ni Alkhaldi na mapalaban sa mga pinakamahu­husay na swimmer sa mundo.

“In order to perform my best at the upcoming SEA Games, I need to keep pushing myself to the limits by training hard and competing constantly against my competitor­s,” aniya.

At nananatili ang disiplina sa kanya para sa katurapan ng pangarap.

“My swimming program includes weights sessions in the gym about 3 times a week, as well as some strength and conditioni­ng sessions 2-3 a week,” pahayag ni Jasmine.

Hindi rin maitatangi na ang kanyang kayumihan ay may posibilida­d sa modelling business, ngunit iginiit niyang prioridad niya ang swimming.

“Well, I am very open to becoming a brand ambassador or model but I prioritize my training sessions and work those things in between if given the opportunit­y to do so,” aniya.

Ipinagpasa­lamat niya ang pagkakapil­i bilang sports ambassador ng Hapee toothpaste na pag-aari ni Dr. Cecilio Pedro.

“Dr. Cecilio Pedro has been supporting swimming for years now. He has been supporting me since the start of the year but has been supporting swim teams for years now. I believe this has a positive impact on the athletes to continue working hard and pushing themselves knowing that there is private support,” pahayag ni Jasmine.

Kung may bentahe siya laban sa mga lockl na karibal, sinabi ni Alkhaldi na tunay na nag-iba ang pananaw niya sa maraming bagay dahil sa pagiging mature.

“Clearly age alone makes me feel more mature as a swimmer and person. I train a lot smarter now and think differentl­y than I have before. I approach things with a different and clearer mindset to look at my swimming career from a different light,” aniya.

Nagbigay din siya na munting mensahe sa mga kabataan na nagnanais na maging kompetitib­ong swimmer.

“My advice to other athletes is to definitely dream big! And once you have that dream in your heart - work hard towards achieving that dream. With faith and hard work, anything is possible,” sambit ni Alkhaldi.

 ??  ?? 3,000 players mula sa 100 koponan na sasabak sa 15 kategorya ang sasalang sa Aboitiz Football Cup na tatagal hanggang Disyembre. Nakikiisa ang Aboitiz Football Cup sa hangarin na mapalakas ang football sa bansa at makatuklas ng mga kompetitib­ong players na mailalaban sa internatio­nal tournament.
3,000 players mula sa 100 koponan na sasabak sa 15 kategorya ang sasalang sa Aboitiz Football Cup na tatagal hanggang Disyembre. Nakikiisa ang Aboitiz Football Cup sa hangarin na mapalakas ang football sa bansa at makatuklas ng mga kompetitib­ong players na mailalaban sa internatio­nal tournament.
 ??  ?? swimming. Mukha ng Philippine
swimming. Mukha ng Philippine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines