Balita

Magnolia, tunaw sa Bolts

-

MAY boltahe pa sa katauhan ng Meralco Bolts.

Naghahabol man, ipinadama ng Meralco Bolts ang katatagan sa krusyal na sandali para silatin ang dating solo lier na Magnolia, 9488, nitong Biyernes para buhayin ang sisinghap-singhap nitong kampanya sa PBA Governors’ Cup sa Ynares Center.

Matapos ang nakawiwind­ang na anim na sunod na kabiguan, umigpaw ang Bolts, runnersup sa naturang conference sa nakalipas na dalawang season, para masungkit ang ikalawang sunod na panalo para mahila ang karta sa 3-6.

Sumosyo ang Magnolia sa unang puwesto kasama ang Barangay Ginebra na may 7-2 karta. Naputol ng Hotshots ang five-game win streak.

Naisalpak nina Cliff Hodge at Chris Newsome ang magkasunod na jumper para sa 85-81 bentahe ng Bolts tungo sa panalo.

“A really good defensive effort on the part of my team tonight,” sabi ni Meralco Coach Norman Black. “Coming into this game, we knew we are going up against probably the top defensive team in the league. We had to rediscover our defense basically to have a chance in this game.”

Nanguna si Allen Durham na may 20 puntos, 18 rebounds, at walong assists, habang kumana si Baser Amer ng 16 puntos, kabilang ang dalawang free throws may 33 segundo ang nalalabi para sa 92-86 bentahe.

Nag-ambag si Reynel Hugnatan ng 15 puntos para sa Bolts.

Sumampa ang Meralco sa ikasiyam na puwesto tangan ang 3-6 karta, sa likod ng San Miguel (3-4), na nakatakdan­g sumabak sa TNT kahapon sa Calasiao, Pangasinan.

Hataw si Romeo Travis sa naiskor na 25 puntos at 19 rebounds, habang tumipa sina Paul Lee at Ian Sangalang na may tig-12 puntos para sa Magnolia.

Iskor: Meralco 94 – Durham 20, Amer 16, Hugnatan 15, Newsome 13, Hodge 12, Salva 8, Jamito 5, Caram 3, Tolomia 2, Faundo 0, Lanete 0, Ballestero­s 0.

Magnolia 88 – Travis 25, Lee 12, Sangalang 12, Jalalon 9, Reavis 8, Barroca 8, Brondial 7, Herndon 3, Simon 2, Dela Rosa 2, Ramos 0, Pascual 0.

Quarters: 24-19; 43-43; 70-66; 94- 88.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines